Nakahanda na kami para sa flight ngayon. Sasabak kami bukas ni Sopi sa isang interview. Ang munting pangarap niya noon na sumikat dahil sa talento ay natutupad na. Siguro ay sadyang pinagtago kami ni Sopi ng tadhana para matulungan ang isa't-isa na umangat. Ahead lang kaming pupunta sa lugar na sinabi nila para na rin makapaggala kami. May alam din si Jayvril na puwede naming galaan. Ito ang advantage din kay Jayvril, kaka-travel niya noon ay marami na siyang alam na puntahan. Ayoko na sanang gumala pero si Mom at Sopi ay excited sa sinabing lugar ni Jayvril. Magkakasama kami sa sasakyan papunta sa airport. Dahil malakas si Jayvril sa awtoridad, sa sikretong daanan kami didiretso. Iwas na rin sa mga makakakilala sa amin. Ayaw namin magkaroon ng issue between business namin at ni Jayvri

