Nagsimula na ang seremonyas. Hindi na ako nakikinig sa sinasabi ng Pari o kung ano man ang tawag sa kaniya. Gusto ko na lamang matapos ang araw ba ito para makabalik na kami sa bahay ni Jayvril. "Matagal na silang magkakilala. Kuwento pa nga nila sa akin ay magkababata silang dalawa. Sila ang palaging nagtutulungan sa lahat ng oras," kuwento nang nagkakasal sa kanila. Matagal na pala silang magkakilala. Bakit pa nagawang magloko ni Jarvis kay Brianna? "Nag-aaway pa nga raw silang dalawa noong mga bata sila. Doon sila naging malapit sa isa't-isa. Ngayong nasa tamang edad na sila para magpakasal, ikinatutuwa ko na pinatunayan nila na hindi hadlang ang panahon para magkahiwalay sila. Marami sa panahon ngayon na mabilis magsawa sa relasyon at hindi man lang nagtatagal. Magandang ehemplo

