Nakatingin lang kaming tatlo sa labas. Wala ni isa sa amin ang nagsasalit dahil baka biglang sumulpot sila Jarvis. Ang mga nanonood kanina ng interview ay nagsisilabasan na. Mukhang tapos na rin ang interview ni Jayvril. Nakahawak lang ako sa aking cellphone, naghihintay kung may text o signal ba sa akin si Jayvril. Puwede naman kasi namin i-drive ang sasakyan niya, kaso siya naman ang maiiwan. "Wala pa ring paramdam si Kuya?" pabulong na tanong ni Sopi. Umiling ako. Kinakabahan na naman ako. Baka mamaya ay magtagal kami rito na hindi bumabalik si Jayvril. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko, ang mahanap kami nila Jarvis. Para kaming mga may kasalanan ni Sopi kaya tago kami nang tago. Sa totoo lang, hindi pa kami handa na makausap si Jarvis at Nathan. At para sa akin, wala na rin na

