Lumabas na kami para makisama sa iba pang bisita. Nagsimula na rin magsaway ang mga kaibigan ni Jarvis. Umupo na lamang ako sa isang tabi. Sumunod lang sa akin si Jarvis. Pinapanood lang namin ang mga nagpa-party. Hindi ako sanay sa ganitong ka-ingay. Medyo naririndi ako sa lakas ng tugtog. "Diyan ka lang ha? Kukuha lang ako ng pwede nating kainin," paalam ni Jarvis. Tumango lang ako. Hindi naman ako nagugutom. Sa kabilang banda ay nakita ko si Sopi na kaharap si Freya. Nakatungo lang si Sopi at mukhang tutulo na ang luha. Nagulat ako nang sampalin niya si Sopi. Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanila para marinig ang pinag-uusapan nila. Alam kong hindi tamang makinig sa usapan ng iba, pero iba ang pakiramdam ko ngayon. Mabait si Sopi at hindi iyan basta-basta mak

