Ito na nga ba ang sinasabi ko. Nagbigay na rin naman siya ng hint noon na may alam siya tungkol sa akin. Paano niya kaya nalaman ang tungkol sa akin? Sobrang nakapagtataka naman. Ilang beses pa lamang kaming nagkakasama ng mga pinsan ko sa labas ng palasyo. "Paano mo ako nakilala? Wala namang ibang nakaka-alam noon. Si Sopi, Mom at ang mga pinsan ko lang naman ang may alam na Prinsesa ako," ika ko. Napakamot ng ulo si Jayvril. Ang tagal naman niyang sumagot. Naiinip na ako. Hindi naman siguro ganoon kahirap sabihin ang katotohanan. "So ano na nga?" naiinip na tanong ko. "Ilang beses na kasi akong nakapunta sa palasyo ninyo para sa proposal na business nila. Napansin kita na nakapangkatulong na suot. Na-curious ako sa iyo dahil parang may tinataguan ka. Hindi ko sinasadya na marinig an

