Sinubukan kong gamitin ang kakayahan kong makakita nang tagusan. Kahit sa ibang bahay ay wala roon ang kapatid ni Mama. Naisahan nila ako. Naiinis na naman ako sa aking sarili. Bakit kasi pinatagal ko pa. "Sopi, wala akong naabutan," malungkot na sambit ko. "May nakikita ka ba sa CCTV?" "Ate Ria, umalis ka na. Mukhang pasasabugin ng mga tauhan ng Reyna ang lugar na iyan. Mukhang pati ang hinahanap mo ay hinahanap nila," ulat ni Sopi. Hindi maaari. Baka nasa paligid lang siya. Lumabas ako ng bahay na iyon. Sakto naman ang pagsabog nito. "Hindi pa siguro iyon makakalayo. Sa sobra nating bantay sa lahat ng paligid, hindi na iyon makalikigtas. Nariyan lang iyan," saad ng isang kalaban. Sa sobrang galit ko ay binato ko siya ng dagger. Napasigaw siya sa sobrang sakit. Ang mga kasamaha

