"Kinakabahan ako sa mga pinagsasagot ko," kabadong sabi ni Sopi. "Pwede mo bang basahin para malaman ko kung may mali o pangit sa sentences ko?" Sinilip ko ang kaniyang laptop. May essay part kasi na parang interview na rin. Binasa ko ang mga sinagot niya. May ilan lang akong inayos, pero overall, maganda ang sagot niya. "May ilan lang akong inayos. Tingnan mo kung ayos na ba sa iyo," saad ko. Habang nagsasagot siya ay gumawa na ako ng mga social media accounts. Naisipan ko ng brand name ang mga tinatahi niya base sa pangalan niya. SOPIsticha ang naisip ko. Halo sa pangalang Sopi at Michandria. Sumakto rin na pang fashion ang dating. "Okay na siguro ito, Ate Ria. Kinakabahan na ako. Ipapasa ko na ba?" tanong niya. "Oo naman," sagot ko. Halatang kabado pa rin siya, pero ang ngi

