Paglabas namin ni Mom ay nakita namin sa sofa sila Zoe at Caren. Si Sopi ay malamang ay kanina pa pumasok sa school niya. Ang mga kasambahay namin ang nag-aasikaso sa magpinsan. Kilala rin naman nila ang dalawa kaya wala naman naging problema. "Kanina pa kayo rito?" tanong ko. Tumango sila. Sagot ni Zoe, "Mga isang oras na rin dito. Masyado ata kayong pagod ni Tita kaya late na kayong nakabangon. Naabutan pa namin kanina si Sopi." Umupo kami sa tapat nila. May hula na ako sa dahilan nang pagpunta nila rito. Malamang ay alam na nila ang balita tungkol sa kapatid ni Mom. Hindi ko naman ide-deny sa kanila na ako ang may kagagawan noon. Sinadya ko iyon para sindakin ang impostora, malay ko bang matatakutin siya? "Bali-balita na kasi sa palasyo na patay ka na raw at iyon ang pangitain ng

