Napatakip ako ng aking bibig. Gumawa ako ng paraan para hindi mag-ingay si Priezzy. Kinakabahan talaga ako na baka malaman ng mga kaibigan ni Jayvril na narito ako. Halos dalawang buwan na rin ang pag-alis ko sa bahay namin ni Sopi. Siguro, oraa naman na makahanap ako ng ibang matutuluyan. "Kuya Jarvis! Bakit ka ba pumapasok sa hindi mo kwarto? Kapag nalaman ni Kuya Jayvril na pumasok ka na hindi nagpapaalam, magagalit siya sa atin! Pati kami ay madadamay sa kalokohan mo!" Boses pa lang ay alam kong si Kiana iyon. Medyo kinabahan lalo ako. Si Jarvis pala iyon. Paano kapag nakita nila ang sewing machine at ang mga pambabae na damit na aking ginawa? "May nakita talaga ako sa bintana na kahawig ng babae na kakilala ko. Hindi ako puwedeng magkamali," saad ni Jarvis. Kung may t***k lang a

