Kumalas na ako sa yakap ni Jayvril. Naguguluhan ako sa aking nalaman. Kung matagal na niya akong gusto, bakit hindi niya man lang sinabi sa akin? Siguro kung siya ang una kong nakilala, tiyak mas mabilis akong mahuhulog sa kaniya. "Saan bang lugar ang pupuntahan natin? Para maihanda ko na ang kakailanganin natin," tanong ni Jayvril. Iniba na niya ang usapan. Wala talaga siyang balak aminin sa akin ang kaniyang nararamdaman. Sa nalaman ko ay lalo akong na-confuse sa nararamdaman ko para sa kaniya. Si Jarvis kasi ay hindi ko naman binabasa ang iniisip niya kaya hindi ko agad malaman kung totoo ang nararamdaman niya sa akin. "Medyo malayo sa lugar natin. Sa may malapit lang iyon sa palasyo namin. Maganda siguro kung hindi na tayo gagamit ng sasakyan papunta mismo sa isang area na iyo

