Napapikit ako nang biglang may kakaibang liwanag sa gitna. Maya-maya ay pinatay ng lalaking kararating lamang ang mga lalaking nambastos sa akin. Hindi ko nagawang makita ang mukha ng lalaking tumulong sa akin. Bigla na lamang siyang nawala. May kakaiba siyang kapangyarihan. Siya kaya ang Prinsipe ng kabilang palasyo? Kung ganoon, bakit niya naman ako tutulungan? Nagsimula na ulit ako maglakad papalayo sa lugar na ito. Pagabi na kasi kaya maraming malalakas ang loob na gumawa ng krimen dito. Habang naglalakad ako ay nabunggo ako sa isang hindi familiar na katawan. Sa gulat ko ay napahawak ako sa kaniyang magkabilang braso. "Jayvril?" ika ko. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Hinila niya ako papunta sa kaniyang likuran. Magmamaktol na sana ako pero may iba pala na mga bampira sa am

