“Who the hell are you?!” Tinanggal ng kaharap ng shades niya at napasinghap ako ng mamukhaan ko na siya finally. Kahit lagi akong bahay, trabaho, kung ang mukha ba naman nitong kaharap ko ang lagi kong nakikita sa mga naglalakihang billboards sa lahat ng lansangan na nadadaanan ko papunta at pauwi to and from work. Beautiful and alluring chinky eyes na namana niya sa Representative Councilor na si Xiao coupled with Representative Councilor Cistina’s knockout face and the result is something beyond mere reality, almost. “Xiantina Teh-Mcmillian, Mistress of the Walrayser Emporium Exotique, at your debt, Elesa.” Laglag ang panga ko na tinitigan na lang ang nagbow na babae sa harap ko before she pointed proudly at the entirety of her selection. “Behold, ang mga tinahi k

