May nag-aabang na security detail sa labas, sabi nila ay nakatoka talaga sila daw sa akin as requested by Sir Charles kaya hindi na ako needed bumalki sa dance hall at deretso na ako sa parking lot kung saan pinarada ang Urus ko. Pinasalamatan ko ang nag-escort sa akin at sinabing kaya ko nang mag-isa. I want to take a breather first and collect myself bago mag-drive. Masyado pang madaming mga bagay-bagay ang naglalaro sa isipan ko at baka maaksidente pa ako pag nag-maneho ako ng wala sa kondisyon. Sabi nga ni baks, huwag na huwag hahawak ng manubela pag hindi bakante ang ulo. Buti na lang at mga ilang security guards ang nagroronda ang mga tao dito and the party is still at full swing kaya ako pa lang ang tanging bisita na papauwi. Napaka-aga pa. It’s barely pa

