Verna P.O.V Walang sugarcoating, she dropped those words without hesitation na parang isang malaking bato na dumagan sa aking puso. Wala pang tao sa buong buhay ko ang nakapagsabi sa akin ng mga katagang binitawan nya. I decided not to say anything dahil ramdam ko na may sasabihin pa syang kasunod sa akin. "Mga taong hindi marunong magmahal kung ano ang meron sila. Hindi marunong makaintindi na nasa harap na nila ang wala ako at nakukuha pang magreklamo at maawa sa sarili," she said with so much hate and contempt na parang ilang beses akong sinuntok at sinampal sa bawat salitang ibinagsak nya. Gusto kong magalit sa mga sinabi nya pero I know deep down na walang hindi totoo sa mga binanggit nya. Masyado na nga talaga akong nagpalamon sa awa sa sarili na hindi ko na magawang makita

