chapter 3

1415 Words
Matapos ang ilang sandaling pakipagtagisan nang tingin kay Dominique ay ako ang unang nag-iwas ng tingin. Lalo akong lihim na nanggigigil dahil hindi ko talaga matagalan ang mga titig niya. Pakiramdam ko kasi ay bigla akong mauutal at magkakalat sa kanyang harapan 'pag ipagpapatuloy ang pagmamatapang ba salubungin ang tingin niya. Ayokong ipahiya ang sarili ko kaya ako na iyong mag-a-adjust! "Hindi naman siguro mauubos ang pera namin kung habambuhay akong nakadepende roon." Nagtunog spoiled brat ako kahit sa sarili kong pandinig. Nawalan na ako nang gana na ipagpapatuloy ang pagkain kaya uminom na ako ng tubig. "Can I have something stronger than water?" muli ay baling ko sa kausap. "Even just a cheap beer will do." "Sana ay hindi mo napagkamalang beer house itong bahay ko," mapakla niyang tugon. "Nanghihingi lang nang maiinom, beer house na agad?" natatawa kong bulalas. "Grabeng imahinasyon iyan, Kuya... masyadong napaghahalataang kulang kayo sa lambing." Nakatingin ako sa kanya kaya nahuli ko ang saglit na pagtalim ng tingin niya. So... mukhang may tinamaan ang hindi asintado kong tira. "Masyado bang busy si Ate Sylene kaya hindi na niya nagagampanan ang pagiging asawa sa inyo?" nang-aasar kong dagdag. "It's none of your business!" mahina pero may babala sa boses niyang tugon. Hindi na ako tinatablan ng kahit na anong babala dahil ilang beses ko nang naririnig kay Papa ang lahat ng klase kaya isinantabi ko ang maliit na warning na umukilkil sa isip ko. Wala naman sigurong pinagkaiba si Dominique kay Papa... pareho silang dinadaan sa paninindak ang mga bagay na hindi nila kayang makontrol. Kung meron mang konting kaibahan ang sitwasyon ay ito iyong kakaibang excitement na ginigising sa'kin ng mismong presensya ni Dominique. Kahit nagsasagutan na kami at ginagalit na niya ako ay hindi pa rin iyon naging rason upang humupa ang namumuong init sa puson ko. Habang tumatagal nga ay naaalis na ang inhibisyon ko sa katawan at nagiging pangahas na ako katulad ngayon. Wala sa plano pero natagpuan ko ang sariling naglalakad papalapit sa kinauupuan niya. Walang imik siyang nakamasid sa bawat hakbang ko at karagdagang sensasyon ang hatid niyon sa katawan ko. Inaasahan ko na sisitahin niya ako pero nanatili siyang tahimik pero nakatutok. Ngayon ko lang naranasan iyong pakiramdam na maging sentro ng atensiyon ng isang tunay na lalaki at hindi no'ng mga binatang kaedad ko na wala pang kayang ipagmamalaki. Iba si Dominique sa lahat ng iyon! Siya iyong taong kaya akong paamuhin gamit ang sarili niyang paraan pero hindi niya pa alam iyon. Hindi rin iyon magiging madali lalo na at buong buhay akong naging dominante at nasusunod ang sariling kagustuhan. "Kaya ka siguro bugnutin at parang hindi marunong ngumiti dahil napabayaan ka ng asawa mo," nanunuya kong pagpapatuloy nang makalapit na ako sa mismong tapat niya. "Hindi ako magugulat kung isang araw ay may ibang babae ka na. Kawawang Ate Sylene." Pare-pareho lang naman ang mga lalaki! Parang si Papa... pinagpalit iyong tunay kong ina at pinakasalan pa iyong dating kerida. "Baka una mo pang mabuntis ang ibang babae niyan kaysa sarili mong asawa," patuloy kong sabi. Hinihintay kong mag-react siya sa lantaran kong panunuya. "Malabong mangyari iyang sinasabi mo dahil wala pa akong nakikilalang humigit sa Ate mo," kalmado niyang tugon. Hindi ko pinahalata ang pag-iinit ng ulo ko dahil sa kawalan niya ng reaksiyon. Dumagdag pa na para na rin niyang pinamumukha sa'kin na maging ako ay hindi kayang pantayan si Ate Sylene. Minsan na rin akong kinumpara ni Papa kay Ate Sylene kaya hindi ko mapigilan ang lalong pagsiklab ng galit sa loob ko. Ano ba ang katangi-tangi kay Ate Sylene? Nakapag-asawa lang naman siya ng isang Arizon kaya siya biglang nalagay sa kinaroroonan niya ngayon! At ang Arizon na iyon ay itong kaharap ko ngayon. "Huwag ka agad magsalita nang tapos..." makahulugan kong wika. "Malay mo nariyan lang sa tabi-tabi ang hinahanap mo." "Wala akong ibang nakikitang nasa paligid ko ngayon," hindi kumukurap niyang komento. "Tinutukoy mo ba ang sarili mo?" Hindi ko nagugustuhan ang nahihimigang kaantipatikohan sa tono niya pero hindi ko hahayaang makikita niya ito sa ekspresyon ko. "Asawa ka ng pinsan ko," paalala ko sa kanya. "Malaking eskandalo 'pag nagkataon." Bumaba ang tingin ko sa mapupula niyang mga labi at hindi ko maiwasang mapalunok. Kakaiba pala ang dating niyon sa malapitan... masyadong nakakatukso. Kung eskandalo na kakaladkad sa pangalan ng pamilya ko ang gusto ko ay bakit nga ba ako maghahanap sa kung saan-saan gayong nandito lang sa nalapit iyong masarap na tuksong gusto kong tikman. I hate my father's mistress to the core and me becoming one will definitely become his downfall! Lalo na at kung family-stroke ang eksenang tumatakbo ngayon sa isip ko habang umuukilkil sa utak ko ang relasyon ng angkan ko sa mga Arizon. "Speaking of scandals... Talaga bang pumatol ka roon sa matandang gobernador?" seryoso niyang tanong. Hindi ko binigyang pansin ang saglit na pagdaan ng galit sa kanyang mga mata na parang may naalala siyang hindi maganda. "Ano sa tingin mo?" nanghahamon kong balik-tanong sa kanya. "You look inexperience to me," walang gatol niyang sagot. "You're not that kind of woman." Mahina akong napatawa. Nakakamangha na iyong taong hindi ako gaanong kilala ay mas naniniwala pa na hindi ko magagawa ang bagay na iyon kaysa sa sarili kong ama. "Sa tingin mo, Kuya Dom, anong klaseng babae ako?" nakangiti kong tanong at bahagya pang yumuko upang ilapit ang mukha sa kanya habang nakaupo siya Inosenteng gesture iyon pero nang tumaas sa pisngi ko ang isa niyang palad upang humaplos doon ay biglang nag-iba ang hangin sa pagitan namin. Hindi ko magawang umiwas sa haplos niya habang patuloy na magkahinang ang mga mata namin. "You're the kind of woman who could be anything you wanted to be," paanas niyang sabi habang naglalakbay ang mga mata sa buo kong mukha. "But not in my watch, young lady. Hindi mo pwedeng dalhin dito sa pamamahay ko ang pagiging pasaway mo!" Tinaasan ko siya ng kilay at sinadyang ikiskis ang pisngi ko sa mainit niyang palad habang naging mapanukso ang ngiting napaskil saking mga labi. "Ang sarap sa balat ng kamay mo... pero mas masarap siguro kong sa ibang parte mo ito hinahawak," mapang-akit kong wika. Naramdaman ko ang bahagyang pagdiin nang pagkakasapo niya sa pisngi ko. Upang lalo pa siyang subukin ay pasimple kong binasa ang paligid ng mga labi ko gamit ang sarili kong dila. Wala man akong karanasan sa ganitong bagay pero eksperto ako sa mga dapat gawin upang makuha ang atensiyon ng kahit na sinong lalaki. Anong silbi ng mga porn sites at mga nare-research sa internet kung wala akong natutunan sa mga ito? "I just hope na hindi ka puro salita," buwelta niya sa'kin habang nakasunod ang tingin sa ginagawa ng dila ko. Hindi ko matukoy kung pinapatulan niya ba ang pagpapahiwatig ko o tinatakot niya ako upang umatras mula sa binabalak ko. "Paano ba iyan... hindi mo malalaman dahil asawa ka ni Ate Sylene," nang-aasar kong pahayag. "We're family , so we couldn't be more than that." May munting boses na sumisigaw sa isip ko na tumigil na ako lalo na at biglang bumigat ang paghinga ng kausap ko pero binabalewala ko lang ito. Kampante ako na kontrolado ko ang sitwasyon. "Family?" sarkastiko niyang tanong. "You're Sylene's cousin so she is your only family... not me." "Ibig mo bang sabihin, Kuya, ay pwede ko palang higitan ang isang Sylene Zamora Arizon sa paningin ni'yo?" "I can settle for less... if it means that I can plunder that sultry mouth of yours to shut you up." "f**k you!" tugon ko sa lantarang pagmamaliit niya sa'kin kumpara kay Ate Sylene. Bago pa siya makabuo nang panibagong pang-iinsulto ay tinawid ko na ang gahiblang pagitan ng mga labi namin. Inunahan ko na siya bago pa niya magawa iyong sinasabi niya kanina. Hindi ito ang una kong halik pero ito yata ang unang beses na sinalubong ako nang nagsilambayang sensasyon at kiliti sa unang paglalapat ng mga labi namin. Kahit galit ako sa taong hinahalikan ay hindi ko pa rin napigilang magustuhan ang pakiramdam na lumukob sa'kin sa mga oras na ito. Bigla ay bumangon ang isang matinding paghahangad sa kalooban ko. Hindi nagpahuli sa imahenasyon ko sa actual na pakiramdam ng mga labi ni Dominique sa sarili kong mga labi. Nakakapanghinayang lang dahil pagmamay-ari na ng iba ang mga ito... pero hindi naman siguro masama kung makikitikim ako... titikman ko lang naman at hindi aangkinin. Pinsan ko naman ang asawa niya... makikihalik lang ako upang mapagbigyan ang cravings ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD