Umawang ang bibig ko nang tuluyan kaming makasakay sa private plane. Kung nakakamangha sa labas ay lalo na iyong loob. Pawang nakangiti ang crew na sumalubong sa'min. Pinakilala sa'kin ni Dominique ang personal pilot niya at iyong mga attendant na silang makakasama namin sa flight. Ayon kay Dominique habang inilibot ako sa loob ng private plane ay ito raw ang unang official na lipad ng eroplanong ito pagkatapos maisalin sa pangalan ko. Ito rin ang unang regalo na natanggap ko mula sa kanya. Halatang metikuloso ang interior design nito at nagsusumigaw ito sa 'taste' ko. Kung papaanong nahuhulaan ni Dominique ang gusto kong mga kulay mula sa mga upuan hanggang sa carpet na nasa sahig ay hindi ko alam. Maluluwag at sobrang lambot ng mga upuan. Spacious din iyong lavatory at may sar

