chapter 18

1839 Words

Hinayaan lang ako ni Ate Sylene na umiyak nang umiyak sa bisig niya habang masuyong humahaplos sa buhok ko ang isa niyang kamay. Hindi na ulit siya nag-usisa pa at inaalo lang ako sa pamamagitan ng haplos at yakap niya. Ilang sandali pa at ako na ang unang kumalas sa yakap niya. Bago pa ako tuluyang makalayo ay sinapo na niya ang mukha ko at tinuyo ang basa kong mukha gamit ang sarili niyang mga palad. Hinayaan ko lang siyang gawin iyon dahil wala rin naman akong lakas tumanggi. Gulong-gulo ang emosyon ko at parang hindi ako makahinga sa sobrang bigat ng pakiramdam ko! Walang imik si Ate Sylene habang nakatiim ang anyong pinasadahan ako ng tingin. Hindi ko alam kung ano ang hinahanap niya nang suriin niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko rin alam kung nakita ba niya o hindi basta m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD