EPILOGUE

1630 Words
Palermo, Sicily "Anong balita," kalmadong tanong ko. Hawak-hawak ko ang isang red wine na may dalawampu at tatlong taon na. "Iba talaga ang instinct ng mga Seo, biruin mo, nakilala mo agad ang presensya ko." Natatawang komento ng bisita ko. Naramdaman ko ang pag-upo n'ya. Huminga ako ng malalim. Nanatili ang mga mata ko sa tanawing nasa labas ng tatlong palapag ng bahay. Nandito ako sa pangunahing siyudad ng Sicily, ang Palermo. Malayo sa Pilipinas, malayo sa karahasan at tungkulin na sinumpaan ng pamilya ko. Tungkuling bumawi sa buhay nila. "Malapit lang dito ang Mondello, Zellah. Why don't you visit the beach?" Nilagok ko ang wine at hinarap ang bisita ko. "Wala akong oras para doon. At hindi ako turista dito, Cryz." Naupo ako sa upuang nasa harap n'ya. Nagkibit-balikat lang ang lalaki at hinayaan akong basahin ang laman ng folder na dala n'ya. "Tatlong taon ka na dito sa Italya, wala ka bang planong umuwi ng Pilipinas at personal na asijasuhin ang kompanya mo at iyang hawak mo?" Tiningnan ko lang s'ya at pinagpatuloy ang ginagawa. Nanahimik na lang si Cryz. Alam n'ya ang sagot ko sa tanong n'ya. Mula nang mangyari ang gabing iyon sa nag-iisang kapatid ko ay isinumpa ko na hindi na ulit ako babalik doon. Hinding-hindi na ako tatapak sa lugar kung saan ay sobrang pasakit lamang ang ibinigay sa akin. "Ito lang ba?" Inilapag ko ang folder. "How about Incubus?" Cryzanto Liason is my colleague. Isa din s'ya sa Senior Agent at dating kaklase ko sa eskwelahan ng PCA. Pareho kaming sinanay at nag-aral para sa tungkuling sinumpaan namin. Suportado ako ng magulang namin ni Primo. Ni hindi ko nga naisip na aalis ako sa tungkuling iyon. Nagbago nga lang ang lahat nang ambush-in ang mga magulang namin ni Primo. Ang kamatayan nila ang dahilan kung bakit nagdesisyon akong umalis sa PCA. Upang maging magulang ni Primo. Huli na nga lamang nang malaman kong sumunod sa yapak namin si Primo na ikinapahamak din n'ya. "Kumpirmadong ang Incubus ang nasa likod sa pag-ambush sa mga magulang n'yo," Cryz said. Noon pa lang ay malakas na ang kutob ko tungkol doon. Dahil bago mamatay ang mga magulang namin ay iyon ang kasong tinututukan nila. Sila din ang dahilan ng pagkakatuklas ng PCA sa organisasyon ng Incubus. Nawala na nga lamang ang mga magulang ko bago pa maumpisahan ang kasong iyon. At hindi ko akalaing tatagal ng ganito ang pagkumpirma tungkol sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng mga magulang namin. "Noon pa lamang ay alam ko na iyon. Wala nga lamang akong makitang kahit anong lead," I answered. Muli akong nagsalin ng wine. "How about the others?" Nangingising nagsalin din ng alak si Cryz. "Halos sabay kayong umalis ni Maelanie Inocencio ng bansa. But unlike you, nagawa n'yang makabalik." Isang mas maliit na envelope ang inilapag n'ya sa harap ko. Nang kunin ko iyon ay mga larawan iyon ni Maelanie... At ng isang Aronzaga. "Mabilis lang ang naging pagbabalik n'ya sa Pilipinas. Nasisiguro kong bumalik lang s'ya para sa death anniversary ni Primo. Coincidence din lang ang naging pagkikita nila ni Yshmael sa puntod ni Primo," Cryz explained. "Sandaling nag-usap sila pero hindi ko na narinig pa iyon dahil sa sobrang layo ko sa kanila." Tumango-tango ako. "Nalaman ko ding lilipat ng El Trinidad si Yshmael at ang pamilya n'ya. On the other hand, ang mga kaibigan naman ni Primo ay naka-focus sa lahat ng bagay na magkokonekta sa Incubus. Lahat sila ay determinadong bigyan ng hustisya ang nangyari sa kaibigan nila..." Nangunot ang noo ko nang tumigil s'ya sa pagsasalita. "Anong problema?" Nilagok ni Cryz ang alak na nasa kopita at sumandal sa upuan. "It's been three years Zellah..." Tinaasan ko s'ya ng kilay. "So?" Cryz sighed. "They're all depressed. Kung makikita mo lang sila ngayon, walang pinagkaiba ang itsura nila. Ganoon pa din mula nang gabing iyon. Lahat sila ay sinisisi ang mga sarili nila at kahit ang ahensya ay natatakot sa mga pwedeng gawin nina File. Determinado na silang pagbayarin ang Incubus at maaaring gumawa sila ng mga bagay na ikakapahamak nila." Hindi ako nagsalita. Nanariwa sa alaala ko ang gabing iyon. Malinaw na malinaw pa sa akin ang lahat. Ang duguan at sugatang katawan ng nag-iisa kong kapatid. "Nawalan din sila," Cryz continued. "At hanggang ngayon ay hinahabol sila ng pangyayaring iyon. Ang babata pa nila para sa gabing iyon na naging parusang bumago sa buhay nila... Ni kahit minsan ba ay hindi mo naisip na pagkatiwalaan sila?" "Enough." Itinaas ko ang kamay ko. Tulad nang dati ay tila natalong kalaban ang itsura ni Cryz. Nanlulumong umayos s'ya ng upo at muling nagsalin ng alak. "Miss..." Nilingin ko ang maid, nasa likod n'ya si Doctor Jake C'uazi, ang kaibigan kong doktor na nakabase pa sa New York. Tinanguan lang ako ni Jake at itinuro ang isang silid bago dumiretso doon. "Magpapahinga na ako." Si Cryz. "Maaga pa ang flight ko pabalik sa Pilipinas bukas." Tinanguan ko lang s'ya at sinamahan palabas ng bahay. Ganito lagi ang set-up n'ya. Mas gusto n'yang sa resort sa Mondello magpalipas ng gabi kaysa dito sa bahay ko. "Kumusta na pala s'ya. May progress ba?" tanong ni Cryz nang makarating kami sa sasakyan n'ya. Muling bumalik sa akin ang lungkot na hindi ko akalaing mayroon pa pala. Lungkot na pumapatay sa kagustuhan kong maging matatag. Tinapik ni Cryz ang balikat ko. "Magtiwala ka lang. You know him well, hindi s'ya ang tipong sumusuko sa laban." Kahit paano ay gumaan ang loob ko sa sinabi n'ya. Sana nga. Sana. Bumalik na ako sa loob ng bahay nang makalayo na ang sasakyan ni Cryz. Dumiretso ako sa silid na nasisiguro kong pagkikitaan ko kay Jake. "Kumusta?" agad na tanong ko pagkapasok ng silid. Dumiretso ako sa tanging bintana ng silid at hinawi ang kurtinang tumatakip sa bintana. Agad na pumasok ang sinag ng araw sa kabuuan ng silid. "Walang pinagbago," Jake answered as he checked his patient here. Wala sa loob na napalapit ako sa kamang kinahihigaan ng pasyente. Pinagsawa ko ang mga mata ko sa mukha n'yang nasisinagan ng sikat ng araw. "Hindi ganoon kaganda pero hindi din masama," dagdag pa n'ya habang sinusuri ang temperatura ng pasyente. "Nakikita ko ding kahit paano ay may development ang kapatid mo, mabagal nga lang. Hindi nga lang tayo nakakatiyak kung kailan s'ya gigising or... Magigising pa s'ya..." "Gigising s'ya..." I cut him off. "He's Primo Angelo Seo, alam kong gigising s'ya." Isang ngiti at tapik sa balikat ang isinukli sa akin ni Jake bago ipinagpatuloy ang pagsusuri sa kapatid kong tatlong taon nang nakaratay sa kama. Tatlong taon na mula nang mangyari iyon. Halos mabaliw ako nang malaman ko mula kina Filemon ang pagbabalik ni Primo sa PCA. Bumalik agad ako sa Pilipinas kasama sina Jake at Cryz. At hindi ko akalaing ang maaabutan ko ay ang duguan at sugatang katawan ng kapatid ko. Walang buhay na katawan ni Primo. Wala na s'yang buhay nang isinakay namin s'ya sa pribadong ambulansya na pag-aari ng ospital ni Jake. Gusto ko nang mamatay noon. Tulala na din ako nang simulan kong asikasuhin ang katawan ng wala nang buhay ng kapatid ko. But God do exist. Jake checked Primo's body for the last time and he found him barely breathing. Primo came back. At kung nahuli nga lamang ng kahit kaunting segundo si Jake ay baka tuluya nang nawala sa akin ang kapatid ko. Wala akong maisip gawin noon kundi protektahan ang kapatid ko. Lalo na't nalaman ko mula kay Cryz na sangkot na naman ang Incubus sa nangyari sa kapatid ko. Kaunting panahon lamang at malalaman ng Incubus ang katauhan ng kapatid ko bilang si Invader at bilang isang Seo. Iyon ang nagtulak sa akin para kumilos agad. General Levi helped us. Tinulungan n'ya kaming mailipat ang katawan ni Primo sa isang ospital sa Maynila. Ilang linggo din ang hinintay namin para magamot s'ya at maihanda sa pag-alis ng bansa. Kinailangan ko ding manatili muna sa Pilipinas para asikasuhin ang "libing" ni Primo. Alam kong mali, pero iyon lamang ang naisip kong paraan para iligtas ang kapatid ko. Lalo na't wala s'yang kakayahang protektahan ang sarili n'ya sa mga oras na iyon. Sa Russia muna kami dumiretso. Doon na din namin nalaman na comatose si Primo. Nabugbog masyado ang katawan ni Primo at nagkaroon s'ya ng internal bleeding. Naging unstable din ng ilang buwan ang kalagayan ni Primo dahil sa mga tama n'ya ng baril na halos tumama sa importanteng organs n'ya. Page fought for his life for almost a year. Nang masiguro naming naging stable s'ya kahit hindi pa nga lang s'ya gumigising ay nagdesisyon na akong dalhin s'ya dito sa Italya. "You're sleeping for so long, Page." I caressed his cheek. "You can take your time, but you should wake up soon." Pagkausap ko pa sa kanya. "Tapos na ako dito," Jake informed me. Ibinigay n'ya sa akin ang chart ni Primo. "Wala ka bang planong ipaalam sa mga kaibigan n'ya or kahit sa bababeng gusto n'ya ang tungkol dito?" Sinabayan ko s'yang lumabas ng silid. "No. I won't lose my brother for the second time," I answered. "You're being selfish, Zellah," Jake said. Katulad ko ay nanatili s'ya sa may pintuan at nakatingin sa nakaratay kong kapatid. "No, Jake. Hindi mo alam ang naramdaman ko noong gabing halos mawala sa akin si Page. At hindi ko gugustuhing maramdaman ulit iyon. Kilala ko ang kapatid ko. Gigising s'ya." Sinulyapan ko muna ang kapatid ko bago tuluyang isinara ang pinto. "I'm sorry, brother. Alam kong maiintindihan mo ako once you woke up. But for now, ako muna ang poprotekta sa 'yo. If you want to ease your Maelanie's pain, magpagaling ka. Gumising ka." YOUNGLILY❤

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD