"Ate Kath okay ka lang ba?" Narinig kong katok sa pintuan banyo .. mukang si love yun kaya dali dali kong finlush ang toilet at agad na nagmumog . "Ate kath??" Biglang bumukas ang pinto kaya napatingin ako sa kanya .. bakas ang pagaalala sa mukha nya kaya pilit ko syang nginitian . "Lovely ikaw pala" "Ate ? Are you sure na okay ka ?? Namumutla ka ?" Hinaplos nya pa ang nuo ko . Napailing ako bago hinaplos ang nuo ko "umm ah.. ninenerbyos lang ako lovelyn.. alam mo naman ." Ngumiti sya at inalalayan akong lumabas . Tinulungan nya pa akong maghawak sa gown ko hangang sa tuluyan kameng makalabas ng banyo . "Baka gusto mo te pampakalma . O baka naman may masakit sayo bigyan kita pain reliever ?" "No! ." Hindi ko namalayang Napalakas ang boses ko kaya kita ko ang pagkunot ng nuo nya

