Ilang saglit pa nilang pinakatitigan ang dalawa bago inayos ni kathryn ang damit ng mga ito hinimas himas ang kamay ng mga bata . Mamaya napatinging si daniel kay kath na tila humuhikbi nanaman . Napabuntong hininga sya ."bakit ka umiiyak .. shhhh... kath ... okay na nandito na sila . Safe na kayo at magkakasama na tayo " sabi ni daniel bago niyakap si kath . .humarap naman ito kay daniel bago hinapit ang katawan nito at ibinaon ang mukha sa dibdib ng binata. "Natutuwa lang ako ... kasi sa wakas daniel kasama na natin sila .. tapos ang ganda ganda nila .. hindi ako makapaniwala na ... nanay na talaga ako .. na may mga anak na ako .. parang kelan lang kasi pinapangarap ko lang sila .. tapos .. eto ...nandito na sila sa harap ko .. pwede ko ng mayakap .. pwede ko ng mahagkan grabe

