"Ako nalang kaya ko naman saka ililipat ko lang sila dun sa kwarto para masarap yung tulog nila " sabi ni kathryn habang nakatingin kay daniel "Ako na .. dapat hindi mo pinupwersa ang sarili mo mamaya mabinat ka .. hmm dalhin mo nalang tong bag doon sa kwarto " sabi ni daniel bago ibinigay ang bag na pinaglagyan ng damit ng mga bata . Humaba ang nguso ni kath at kinuha ang bag kay daniel bago binuhan naman nito si sam na natutulog . Dahan dahan pang naglakad si kath papuntang kwarto at inilapag ang bag sa vanity mirror bago naupo sa higaan . . Ilang saglit syang naghintay doon na dalhin ni daniel ang mga bata ngunit walang daniel na pumasok "Ano ng nangyari doon ?" Tanong ni kath sa sarili bago dahan dahang tumayo . Lumabas uli sya ng silid at laking gulat ng makita si daniel

