Nanlaki ang mata ni kathryn bago napalunok ito . Ngumisi naman si daniel bago siningkitan ng mata si kathryn "at ayaw mo padin bumitaw ah ?" Bago pa man makalayo si kath ay idinikit ni daniel ang kamay nito sa kilikili ni kathryn at kiniliti yun . Halos mapasigaw pa si kathryn dahil sa ginawa ni daniel ngunit agad nyang tinakpan ang kanyang bibig bago sabay pa silang napatingin sa mga bata na nasa kama . Tila napahinto sila sa paghaharutan ng makitang gulamaw si Sab pero agad din naman silang nakahinga ng maluwag ng hindi ito nagising . "Ikaw kasi eh .." wika ni kath pero lumapad lang ang ngiti ni daniel bago siningkitan uli sya ng mata . "Anong ako ? Anong ako ?" Sabi pa nito bago sinimulan uling kilitiin si kathryn . "Hahah isa daniel !" Mahinang reklamo nito habang si dan

