"Wait babies diyan lang muna kayo ha ? Manuod lang kayo ng cartoons sisilipin lang ni nanay yung bake mac sa oven " aniya sa mga anak bago pinaghahalikan ang mga nuo ng mga anak nya . Hindi kumibo ang mga bata na abalang nanunuod ng Max and Ruby sa Nick Jr nakaupo pa nga ang mga ito sa may sofa habang hawak hawak ang kanya kanya nilang mga feeding bottle . Tuwang tuwa pa sya habang minamasdan ang mga anak . Para kasing napaka seryoso nila na akala mo ay naiintindihan nila yung palabas sa TV . Pailing iling sya habang hindi maalis ang ngiti nya sa kanyang mga labi na tumungo papunta sa kusina upang silipin ang kanyang isinalang sa oven . Kinuha nya ang pot holder at hinango ang bake mac na kanyang niluluto "Perfect !!" Aniya bago sininghot pa ang usok na nagmumula sa pagkain . Nai

