"Hmmm ... hmmmm..." Kanta ni kat habang hinihimas ang mga ulo ng anak na natutulog sa kanyang tabi . Ilang gabi nadin silang magkakatabi ng mga anak. ilang araw na silang halos dito nalang nagkukulong sa nursery. Lalabas lang sya upang kumain tapos babalik na dito upang samahan ang mga anak . Di bale nalang sya ang maapektuhan wag lang ang mga anak kaya kahit nahihirapan sya nananatili padin syang matatag para sa mga bata at sa sangol na umaasa sa kanya. Mahirap ... sobrang hirap ng ganito. Ilang araw na syang malungkot. Walang gana... na kung sya lang ang papipiliin ay ayaw nalang nyang tumayo. Pero kahit sobrang sakit ng nararamdaman nya pinipilit nyang nilalabanan yon. Kailangan nyang magpakatatag para sa mga anak. at lalong lalo na para sa bata na nasa sinapupunan nya.

