Chapter 2

3733 Words
Chapter 2 MADDIE'S POV "S-Sir William?" Yan na lang ang lumabas sa aking bibig. Ramdam ko ang panginginig ng aking katawan sa takot at kaba habang naka titig sa napaka dilim at walang expression nyang mga mata. Paano? Paano nya nalaman kong asan ako? Nilunok ko na lamang ang naka barang laway sa aking lalamunan at para akong tatakasan ng bait dahil napaka lapit ng katawan nya sakin. Na nag bibigay kaba at kakaibang takot sa aking dibdib. "Why are you ignoring my call and text from you huh?!" Malagong nitong sambit at nilunok ko ang naka barang laway sa aking lalamunan at hindi ko pinuputol ang titig namin sa isa't-isa. "We need to talk!" nag tagis ang kanyang ngipin sa galit. "P-Per—-" mag sasalita pa sana ako pero marahas nyang hinablot ang aking pulsuhan at hinila nya ako ng buong lakas at pwersa. Wala akong nagawa kundi mag patanggay sa pag kakahila nya saakin dahil narin sa bilis ng pangyayari. Sa bawat segundong lumilipas mas lalong kinakain ng takot ang aking dibdib, na ngayon kay lamig at talim nya ako kong titigan na tila ba isa syang nilalang na nakakatakot. "B-bitawan mo ako." Aniya ko at pilit kong binabawi ang kamay ko sa pag kakahawak nya pero hindi ko magawa dahil mas malakas sya kumpara saakin. "Bitawan mo na sabi ang kamay ko. Ano ba!" patuloy kong pag pupumiglas sakanya, pero tila ba hindi nya naririnig ang aking sasabihin. Natagpuan ko na lang ang aking sarili na papunta kong saan naka park ang kanyang kotse sa parking area dito sa school namin. Medyo liblib at tago narin ang lugar na ito at bihira lamang ang mga estudyante ang pumupunta dito dahil private parking lot ito ng may-ari ng skwelahan. "A-Anong ginagawa natin dito?" Bakas ng takot at pangamba ang kanyang didbib sa mga sandaling ito. Napaka lakas ng pintig ng kanyang puso at patuloy padin syang hinihila ng marahas ng binata, napa luha na lamang sya ng maramdaman nya ang higpit at gigil nitong pag hahawak sa kanyang pulsuhan. "S-Sir William ano po ang gagawin natin dito?" Nauutal nyang sambit at tumigil sila sa harapan ng isang itim na SUV "Get inside!" maowtoridad nitong sambit at binitawan na nito ang kanyang pulsuhan. Hinigpitan nya na lamang ang pag kakahawak nya sa kanyang sling bag habang sinusundan ng tingin si Sir William na blanko ang expression habang papasok sa driver seat. "What are you waiting for Maddie? Get inside of the car!" Kulang na lang mapa talon sya sa gulat na ngayon kay dilim na ng titig ang pinukulan sakanya. Tumingin sya sa kaliwa't-kanan nya para alamin kong may nakaka kita ba sakanilang studyante o ilang staff sa school nila, na pumasok sya sa loob ng sasakyan ng Professor s***h may-ari na rin ng Unibersidad kong saan sya pumapasok ngayon. Kailangan nyang maka iwas sa chismis sa school nila dahil tiyak na pag uusapan sila pareho ni Sir William. Nag pakawala lamang sya ng malalim na buntong-hiningga bago sya sumunod at pumasok sa unahan ng sasakyan na katabi lamang nito. Nang tuluyan na syang makapasok sinimulan na nitong patakbuhin ang sasakyan. Isa pading katanungan sakanya kong bakit kailangan pa syang sumama dito. At kong saan sila pupunta ngayon. Sobrang awkward ng atmosphere sa pagitan nilang dalawa na halos mapanis na ang laway sa kanyang lalamunan dahil hindi sila nag papansin at nag kikibuan man lang sa byahe. Tahimik nyang binalingan ng tingin si Sir William na tahimik na nag mamaneho at naka tuon ang kanyang atensyon at tingin sa daan. Pansin nya ang pag kunot ng kanyang mga noo at napaka seryoso nitong mukha na tila ba galit ito sa mundo. Ano pa nga ba aasahan nya dito? Na parati naka kunot ang noo nito na lahat ng estudyante nya ay takot sakanya dahil narin napaka terror nito sa klase. Sa tuwing napapatitig sya sa walang expression nitong mga mata, hindi nya maiwasan na maka ramdam ng takot at kaba sa kanyang dibdib. "Saan ba talaga tayo pupunta? At bakit kailangan pa akong sumama sayo?" Pilit nyang binabasag ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Naiinis at nagagalit sya dito dahil bumabalik na naman ang ala-ala na nangyari sakanila noon. Naalala nya kong paano sya pagtabuyan nito. Pakiramdam nya pinunit ang puso nya sa sakit ng maalala nya kong paano sya sigawan at pag tabuyan nito na walang halaga. Bakit ganun? Bakit sa tuwing kinakalimutan na kita, bakit nag paparamdam ka saakin? "You'll see." malamig pa sa yelo nitong sambit. Mga ilang minuto pa ang lumipas, tumigil ang sasakyan nito sa isang malaki at napaka rangyang condominium. Ano ang gagawin namin dito?, Asan kami?. Maraming mga katanungan sa kanyang isip, pero mas pinili na lang na wag ng umimik dahil masama ang timpla ng mood ng binata. Lumabas na ang binata sa sasakyan at nag mamadali din naman syang sumunod dito. Tahimik nya lamang itong sinusundan hanggang napa tigil sila sa ikapaapat na palapag at napa titig sya sa pinto na naka ukit doon. "Penthouse?" Yan na lang ang lumabas sa kanyang bibig. Tinignan nya si William na perinting naka tayo sa tabi nya, at gaya ng dati hindi man lang sya tinatapunan ng pansin at tingin nito. Sandali? Ito ba ang bahay ni Sir William? Bakit? Bakit nya ako dadalhin dito? Teka, may gagawin kaya syang masama saakin? "Don't stare at me like that Maddie. It's not what you think!" halos nalunok ko na ang laway sa aking lalamunan sa sinabi nya. Teka? Nababasa nya ang iniisip ko? Binuksan nito ang pintuan at para syang malula at mapanganga sa rangya at ganda ng silid. "What are you waiting for Maddie? Tatayo kana lang ba dyan?" Nabalik sya sa realidad ng marinig nya ang nakakatakot at seryoso nitong tinig. Doon nya napag tanto na naka pasok na ang binata sa silid at naiwan syang parang timang na naka tayo sa labas. Tinago nya na lang ang hiya sa kanyang dibdib at dahan-dahan nyang inapak ang kanyang mga paa papasok. Pag pasok mo pa lang sasalubong sayo ang napaka laking sala. Ang kulay ng silid ay pinag halong puti, at dark brown at marami kang makikitang magagandang halaman sa loob at mga furniture na mga mamahalin. Sobrang linis ng bawat sulok na animo'y para bang hindi man lang nadadapuan ng alikabok. Kulay puti ng couch at sa may gilid naroon ang napaka laking flat screen na Tv. Sa bandang kaliwa naman makikita mo ang isang mini book shelves. Hindi nag sasawa ang kanyang paningin na pag masdan ang napaka ganda nitong bahay. "Hintayin mo na lang ako dito." seryoso nitong sambit at hinubad nito ang coat na suot-suot nya at sinabit yon bahagya sa couch. Hindi nya maiwasan na pag masdan na palihim si Sir William. Tanging white longsleeve ang kanyang suot at black pants, niluwagan nya din ang pag kakatali ng kanyang tie na sanhi mas lalong mas nakaka akit-akit yon sa kanyang paningin. Bumakat at mas lalong nakita nya ang napaka gandang hubog ng kanyang katawan na. Shit. Bakit ganito? Bakit parang domoble ang appeal nya sa aking paningin? Medyo magulo din ang kanyang buhok at hindi nya maiwasan na mapa titig sa napaka ganda nitong mga mata na ang sarap sarap pag masdan. "Done eye rapping me? Hintayin mo lang ako dito, babalik din ako." Napa iling-iling nitong sambit at sinimulan na itong mag lakad para iwan sya. Parang gusto nyang pokpokin ang kanyang sarili sa ginawa nya. Bakit ba nag papahalata ka sakanya, kong gaano ka naakit sakanya? Get to your senses Maddie! Nilibang ko na lamang ang aking atensyon sa pamamasid sa loob ng bahay nito. Hindi talaga ako makapaniwala na dadalhin nya ako dito sa kanyang bahay, at hindi ko inaasahan na balang araw makakatapak ako dito. Matagal ko ng pangarap na masilip o magkaroon ng pagkakataon na makita o mabisita kong ano ba ang itsura ng bahay nya. Masaya ako na isa-isa ng nag kakaroon ng katuparan ang mga pangarap ko lamang noon. Sa paglilibot ko ng munting Condominuim nya doon ko lang napag alaman kong gaano yon kalaki at karangya. Mayroon itong sariling banyo, bath tub, kusina, dining area, kwarto at napaka laking open area na pwede ka tumambay. Sa isang napaka laking balconahe sa labas doon ako napa mangha na makita ang sari-saring bulaklak at halaman na napaka sarap tignan at pag masdan na tila ba, marerelax at mawawala ang pagod mo. Mayroon itong table at upuan na pwde ka kumain. Napaka ganda rin ng tanawin dahil kitang-kita mo ang napaka gandang tanawin at building na maaliw kang pag masdan. Nang mag sawa na ang kanyang mga mata na pag masdan ang balkonahe, bumalik ulit sya sa loob, at napa tigil ako sa pag lilibot ng may isang bagay na nag paagaw ng aking atensyon ng makita ko ang napaka laking portrait ng isang litrato ang naka sabit sa dinding. Doon ko napag alaman na isa pala itong family picture. Sa litrato mayroon itong itim na background at naka upo sa isang mamahalin na sofa ang isang may edad na mag asawa at napaka ganda ng kanilang kasuotan at sa una mo lang makita yon mapag kakamalan mong galing sa isang mayaman na pamilya dahil sa kanilang kasuotan at kay ganda ng kanilang kilos. Nakilala ko ang matanda sa litrato na si Mr. Leonardo Sandoval ang CEO ng skwelahan may pag aari ng iba't-ibang kompanya sa Pilipinas, at katabi nya naman ang kanyang asawa na si Mrs. Leticia Sandoval ang founder at isa din namamahala ng skwelahan. Sa bandang kanan naka tayo ang isang magandang babae na tyantya ko kasing-gulang ko lamang. Naka suot sya ng puting bestida at napaka ganda ng kanyang ngiti sa kanyang labi. Sya siguro ang nakakabatang kapatid ni William na si Jessica. Sa kaliwa naman naka tayo si William at naka sulot sya ng black suit na sanhi lumitaw ang nakaka gwapo nyang mukha at pansin ko ang poker face nya sa litrato na hindi man lang ngumiti sa litrato, na kahit ganun napaka gwapo nya padin sa aking paningin kahit naka kunot ang kanyang noo. "Ano bang pinakain mo saakin Sir, at ganito na lamang ang pag mamahal ko sayo?" Lihim syang napa ngiti habang pinag mamasdan ang litrato ni William. "Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala." kulang na lang mapa talon sya sa pagkagulat ng marinig nya ang britono at nakaka panindig nitong boses sa kanyang likuran. Nakita nya itong perinting naka tayo sa likuran nya at gaya ng dati napaka lamig sya nito kong titigan. "Let's eat!" Aniya nito at tumango na lamang sya dito. Nauna na itong mag lakad at tahimik lamang syang sumunod sa binata. Doon nya napansin na naroon na sila sa dining area at babasagin na lamesa ang pag kakagawa noon na sanhi mamangha pa lalo sya. Napaka ganda din ng pag kakagawa ng lababo at kusina nito na animo'y pinag gastusan talaga. Dahan-dahan syang naupo sa bakanteng upuan at puno ng pag iingat. Napag tanto nya na naka ayos na ang utensils, baso at plato sa lamesa. Kahit ngayon nag tataka padin sya sa kinikilos ni William sakanya dahil tila ba ibang-iba na ito. "Eat that, I know it's your favorite." Nagtaka sya ng nilapag nito sa harapan nito ang carbonara na niluto nito para sakanya. Pinag masdan nya ang carbonara sa harapan nya at hindi nya maiwasan na matakam at makaramdam ng gutom ng maamoy nya ang mabango nitong aroma. Pinag masdan nya si William na naupo sa bakanteng upuan at perinte itong umupo na kaharap nya lamang, at hindi padin nag babago ang expression na pinapakita nito sakanya. Paano? Paano nya nalaman na favorite nya ang carbonara? Wala naman syang nababanggit dito tungkol sa mga favorite ng mga pagkain. Marami syang mga katanungan dito pero, tila ba umatras ng kusa ang kanyang dila dahil sa lamig nitong pakikitunggo sakanya. Ano paba ang aasahan nya dito? Na sa una palang hindi na sya gusto ng binata. Ilang beses sya nito pinag tatabuyan na wala syang halaga. Pinag mamasdan nya si William na tahimik na kumakain ng niluto nitong carbonara. Hindi nya aasahan na darating ang panahon na ito, na hindi nya aakalain na sabay silang kakain ng binata at pag lulutuan sya ng pagkain nito. Hindi kaya? Mahal nya narin ako? Tila ba kiniliti ang kanyang puso sa mga kaganapan na nangyayari ngayon sa kanila ng binata. Isang matamis na lamang na ngiti ang kanyang sinukli habang pinag mamasdan si Sir William na tahimik na kumakain. Hinawakan nya na yong fork at sinuman nya ng kainin ang carbonara na niluto nito para sakanya. Pakiramdam nya na tila ba sya na ata ang napaka sayang babae sa mundo dahil pag lulutuan sya ng binata ng paborito nyang pagkain, kahit simple lamang ng ginawa nito sakanya, para sakanya napaka laking bagay na yon para magustuhan nya pa lalo ito. "I just want to say sorry for what happened." napa tigil sya sa pag subo ng marinig nya ang seryoso nitong tinig. Dahan-dahan syang napa anggat ng tingin at nag kasalubong ng titig nila ni William na sanhi nanigas sya. Kita nya nag kakaibang pag ningning ng kanyang mga mata na tila ba napaka rami nitong gustong sabihin sakanya, pero hindi nya alam kong paaano sisimulan. Kita nya ang pag galaw ng adams apple nito, at napa lunok sya sa ginagawa nito. "Gusto ko lang na formal na maka hinggi ng pasensya ng ginawa ko sayo Maddie. I know I didn't treat you well, hurt you and push you way that day." tila ba huminto ang inog ng mundo nya sa katagang lumabas sa bibig nito. Sandali? Si Sir William ba tong kaharap nya? Bat tila ba ibang tao ang kaharap nya ngayon? "I just want to make it up to you. Sana mapatawad mo ako Maddie." he said that make me look at him. Puno ng seryoso ang kanyang tinig at kahit narin kong paano nya ako titigan. Hindi sya maka react dahil sa bilis ng pangyayari at hindi nya aasahan na yong malamig at yong nakakatakot na teacher nila sa skwelahan, hihinggi ng pasensya sakanya. "O-okay lang yon." nauutal nyang sambit at nagulat na lamang sya ng hawakan nito ang kanyang kamay. Doon na kumabog ang kanyang puso ng sobrang bilis na tila ba aatakehin sya sa puso. Ramdam nya ang kakaibang init at kuryente na dumapo sa kanyang katawan ng maramdaman nya ang kamay nito sakanya. "Thanks Maddie." aniya nito at marahan nitong pinisil ang kanyang kamay at napa kurap na lamang sya sa ginawa nito. "Wala yon." isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang labi. "Maddie, nandyan kana pala!" Masayang bati sakanya ng kaibigan nyang si Julie ng maka pasok sya sa loob ng room nila. Nilapag nya ang bag nya sa tabi ng upuan ng kanyang kaibigan at hindi maalis ang matamis na ngiti sa kanyang labi. Napaka ganda ng gising nya ngayon dahil sa nangyari sakanila ni Sir William kahapon. Hanggang ngayon hindi padin sya maka paniwala na dadalhin sya nito sa kanyang condominuim. Sabay silang kumain at pagkatapos hinatid pa sya nito pauwi. Hindi nya aakalain na halos apat na oras silang mag kasama ng Professor nila, ng gabing iyon na hanggang ngayon hindi pa din sya maka paniwala na magiging okay na silang dalawa. Hindi sya naka tulog ng maayos dahil iniisip nya padin ang kaganapan na ginawa nila kagabi. Sa isang iglap naging mabait ito sakanya at huminggi ito ng tawad sakanya. Na ibang-iba na ito, na noon pinag tatabuyan sya nito. "Oh bakit?" Tanong nya dito at binigyan sya nito ng maka hulugan na ngiti. "Bakit blooming ka ata ghurl? Anong ganap?" Pag uusisa nito sakanya at napa lunok sya ng sunod-sunod ng lumapit pa ito lalo sakanya na tila ba kinikilatis sya. Tumigil ito sa harapan nya at nag kasalubong sila ng titig ni Julie. "May nangyari ba? Bat ang ganda mo ngayon? Bakit ang ganda ng ngiti mo ngayon huh?" Napa lunok sa sinabi nito. "A-Ano bang pinag sasabi mo J-Julie? Wala to." peke na lamang syang ngumiti sa kaibigan. Gugustuhin nya man sanang ikwento sa kanyang kaibigan ang nangyari sakanila ni Professor William, kaso natatakot kasi sya na baka pagalitan na naman sya nito. "Maganda lang kasi ang tulog ko, kaya't ganito ako." aniya nya at nag kasalubong ang kilay nito sa sinabi nya na tila ba hindi ito kumbinsado sa sinabi nya. "Talaga ba? Sabi mo eh!" Aniya nito at tila ba nabunutan ng tinik ang kanyang dibdib, na sa wakas hindi na mag tatanong pa sakanya ang kanyang kaibigan. Umupo sa tabi nyang upuan ang kanyang kaibigan. "Nabalitaan mo na ba?" Nag arko ang kilay nya sa sinabi nito. Nabalitan ang ano? Teka may alam ba ito sa nangyari sa kanila ng Sir William nila? "Nabalitaan ang ano?" Para syang pinag pawisan ng malamig dahil natatakot syang malaman ng kaibigan nya ang totoo. Nag dadasal sya sa Diyos na sana walang alam ang kanyang kaibigan. "Usap-usapan sa room natin na may bagong transferee." bored nitong sambit na halos mapa hingga na sya ng maluwag dahil sa sinabi nito. "T-Transferee? Sino? Lalaki ba?" Nauutal nyang sambit at naupo sya sa tabi ng kanyang kaibigan. Bahagya nyang pinag mamasdan ang iba nilang mga kaklase na nag ku-kwentuhan, yong iba nag cecellphone, sa kabilang dulo naman nanunuod ang mga kaklase nilang mga lalaki sa phone at nakikinuod din ang iba. Kanya-kanyang trip at ginagawa ang mga kaklase nya at nabalot ng ingay ang loob ng classroom nila. Hindi na bago sakanya na ganun na lang kainggay ang kanyang mga kaklase. Tiyak na mag se-seryoso na naman sila mamaya sa klase kapag dumating na ang Professor nila sa klase. "Gaga!" Pinandilatan sya nito. "Di sana kong lalaki yong transferee, abot langit na ang ngiti sa labi ko!" Pag tataray nito sakanya at doon naman sya nag taka sa sinabi nito. Ito na siguro ang kauna-unahang pagkakataon ng mag kakaroon ng transferee sa kanilang kwarto. Midterm na ngayon at tila ba imposible na para dito na maka habol sa ibang discussion nila sa klase. "Babae ang transferee at rinig ko galing sa isang mayaman na angkan. Nabalitan ko rin na malapit yong transferee sa pamilya ng mga Sandoval. Tiyak kong kilala din sya ni Professor William!" usisa pa nito at bigla silang natahimik ng marinig nila ang yapak ng paa papasok sa kanilang silid. Biglang naalerto ang kanilang mga kaklase na tila ba bakas sa mukha nila ang takot at pag kataranta at mabilis ang nga ito sa kanya-kanya nitong upuan, na tila ba mayroon itong kinakatakutan. Yong iba naman nyang mga kaklase inayos nila ang mga upuan na nag sikalat. Doon sya napa kurap ng makita nya nag lakad papasok sa kwarto nila ang kanilang teacher na walang iba kundi si Professor William, na kay lamig ng mga mata nya at napalalibutan ng maitim na awra ang kanyang pagkatao. At kasunod noon kasama nya ang isang magandang babae na naka suot ng uniforme gaya ng suot-suot nila. Nakita nya ang babaeng kasama nito na tahimik na naka tayo sa likuran ng Professor nila. Pansin nya ang pananahimik nito na tila ba, nahihiya ito na titigan sila. Pinag mamasdan ang mukha ng bagong transferee at tila ba familiar ang mukha nito na para bang nakita nya na ito kong saan. Ilang segundo nyang iniisip kong saan at kong kaylan nya nakita ang maamo at maganda nitong mukha. Bigla syang natigilan ng maalala nya na kong saan nya ito nakita. Kundi ang babaeng transferee ay, yong babaeng naka bunggo nya sa Corriddor ng papunta sya sa restroom. "Good afternoon class!" malagong na pag bati sakanila ng Professor nila. Ginala nya ang kanyang tingin sa kabuuang kwarto at pansin nya ang pananahimik ng mga kaklase nya, na hinihintay ang susunod pa nitong sasabihin. "Good afternoon din Professor!" sunod-sunod namin bati sakanya. Inalis nya ang suot nyang salamin at nilapag nya yon sa desk na nasa harapan nya. "I would like to introduce our new transferee in our class. And I want you to be nice to her." aniya nito at sumang ayon naman ang iba nya pang mga kaklase sa sinabi ni Professor William. "Go introduce yourself Miss." aniya nya sa transferee. Bigla naman napadako ang aming tingin sa transferee na nanatili padin naka tayo at walang imik. Nanatili syang naka yuko na tila ba nahihiya syang mag salita. Nag pakawala sya ng malalim na buntong-hiningga bago sya umanggat ng tingin. Puno ng lamig sa kanyang mga mata. "M-My name is Hannah Hidalgo. It's nice meeting you all." mahina at nahihiya nyang sambit at yumuko ulit sya. "Go to your assign seat now Ms. Hidalgo." anunsyo ni Professor William. Dahan-dahan naman itong tumango at nag lakad papunta sa bakanteng upuan na medyo malapit sa kinauupuan nila. Parang naging slow motion ang bawat pag lakad nito papunta sa bakenteng upuan at tahimik nya lamang pinag mamasdan si Hannah. Pero bago paman ito umupo sa bakanteng upuan, nag kasalubong ang kanilang mga titig. Ewan nya ba kong bakit ganun na lamang ng lakas ng tambol sa kanyang dibdib dahil doon nya nakita ang kakaibang lamig, galit na gumuhit sa kanyang mga mata habang nakatitig sakanya. Bakit ganito? Bakit puno ng galit nya ako kong titigan? Wala naman syang natatandaan na ginawang masama dito, bakit sa una pa lang masama na ang tingin nya saakin? Umupo ito sa bakanteng upuan at hindi nya maiwasan na mag taka at mapa isip sa binibigay nitong masamang titig sakanya. "Okay ka lang ba Maddie?" Napa itlag sya ng hawakan ni Julie ang kanyang balikat. Doon nya nakita ang pag aalala na gumuhit sa mukha ng kanyang kaibigan habang naka titig sakanya. "O-Oo. Okay lang ako Julie" pilit nyang pinapakalma ang kanyang sarili. Tila ba nababagabag ang kanyang sarili sa maka hulugan at puno ng galit sya kong titigan ng bagong transferee nila. Umayos na sya ng pagkakaupo sa upuan at sinulyapan nya ng tingin si Professor William na, tila ba may tinitignan ito. Tahimik nyang sinusundan ng tingin kong saan ito naka titig. Para bang kinurot ang kanyang puso ng mahuli nya itong naka titig sa transferee na si Hannah. At kasunod noon ang matamis na ngiti na gumuhit sa labi ni Professor William habang naka titig kay Hannah. Na kaylan man hindi nya nakita ang matamis na ngiti ni Professor William sa tuwing kasama nya ito? Bakit ganito? Bakit tila ba kinukurot sa sakit ang aking puso?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD