Chapter 50 MADDIE'S POV "William," sambit ko. Tinignan ko si William na ngayon karga-karga niya na si Liliam. "Buti naman po, naka rating po kayo dito Tito William." Kina-usap nito ang binata. "Oo, naman diba nangako ako sa'yo na pupunta ako dito diba? Kaya't tinupad ko. Masaya kaba ba ngayon?" "Oo naman po, sobrang saya ko po Tito," nag hand bump pa sila na animo'y close na close na sa isa't-isa. "Mommy, nandito po si Tito William po," masigla nitong kwento at alangan akong ngumiti. "Oo anak nakita ko nga na nandito siya." Saad ko at sinamaan ko na lamang ng tingin si William. "Mommy, huwag ka pong magalit kay Tito William ah? Niyaya ko po siya na, pumunta dito dahil alam ko naman na hindi makaka rating si Daddy Elthon. Hihi," hagikhik nito. Tinignan ko si William at kinindatan la

