Chapter 37 MADDIE'S POV Napa atras siya ng kaniyang mga paa ng makita niya si William. Paano? Anong ginagawa niya dito? "Hi," masayang bati nito sakaniya, na hawak pa din nito ang pizza. "Anong ginagawa mo dito? Ba't ka nandito ha?" Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Umalis kana, umalis k---" hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin ng suminggit ang kaniyang Daddy sa kanilang usapan. "William, Hijo" malakas na bati ng kaniyang Daddy. Marahan siya napa-pikit ng kaniyang mga mata, ng maramdaman niya ang yabag ng paa ng kaniyang Daddy na palapit sakanilang kinaroroonan. Hindi niya na tuluyan mapapa alis ang binata dahil nandiyan na ang kaniyang Daddy. "Magandang umaga Mr. Trinidad," formal na bati ni William sa kaniyang Daddy. Huminto sa tabi niya ang kaniyang Daddy at matamis na

