Chapter 53 HANNAH'S POV "Liliam po," inosente nitong tinig. "Ang ganda naman ang pangalan mo. Siguro napaka bait ng Mommy at Daddy mo ano?" Patuloy ko pa din pakikipag-usap sakaniya. Tinignan ko ang kaliwa't-kanan ko, at nag silabasan na rin ang iba pang mga estudyante sa naturang school. "Oo naman po. Gusto mo ba silang makilala?" Amused na tinig nito. Napa dako ako ng tingin sa inosente nitong mukha, na kahit pag masdan ko siya, kitang-kita mo talaga na kamukhang-kamukha siya ni William at ni Maddie. Mga walang-hiya! Nag karoon pa pala kayo ng anak! Paano mo natago ang bagay na ito Maddie? Kong nag kataon sana, na nalaman kong pinag bubuntis mo na ang anak niyong dalawa ni William, hindi ko hahayaan na mabuhay ito! Too bad, dahil nahuli na ako sa balita! Sinu-swerte nga naman

