[NIKA'S POV] One week akong hindi pumasok sa DGUP. Mayroon naman akong excuse. Death anniversary ngayon ng tatay ko na nakalibing sa isang probinsya ng Samar which is malayo sa lugar namin. Dati kaming nanirahan noon sa Samar pero lumipat kami rito simula nang mamatay si tatay. Pagkatapos ng one week na 'yon ay babalik na ako sa DGUP. Ito ang first day ng pagbabalik ko. Kahit na isang linggo ko siyang hindi nakita ay hindi ko pa rin makalimutan ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi naman gano'n kadaling kalimutan 'yon. Tapos mahirap din siyang iwasan dahil may mga time ding kailangan magkasama kami like school activities, seminars, etc. Pagkarating ko pa lang sa DGUP ay kumunot agad ang noo ko nang sinalubong ako ni Ann. "Huwag kang gagalaw." sabi sa 'kin ni Ann pagkatapos ay bigla niya

