Mapangahas na Pagsama

2059 Words
Chapter 3: Mapangahas na Pagsama ...... Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa isang katulong na kumatok sa pintuan ng aking kwarto. Sinabihan niya akong hinihintay ako ni lolo sa baba para mamasyal sa bukirin namin. Agad naman akong nag-ayos ng sarili at lumabas ng aking kwarto. Nadatnan ko sina lolo at lola sa kusina na nag-aagahan. Lumapit ako sakanila at nagmano at pagkatapos ay nakisalo na rin ako sa pagkain. Matapos kaming kumain, binilinan ako ni lolo na maghanda dahil isasama niya raw ako sa bukirin namin malapit sa bundok dahil magtatanim daw sila ng mais at tabacco. Sa pabahon ngayon, magandang tanim ang mais at tabacco at ito na rin kasi ang naging routin sa pagsasaka dito sa probinsya. Kapag hunyo hangang nobyembre, palay naman ang itinatanim at sa enero hanggang pebrero ay kamatis, bawang at sibuyas. Bumalik ako sa aking kwarto para makapaghanda na. Mabilis naman akong nakaayos kaya wala pang kalahating oras ay lumabas na ako sa aking kwarto. Nadatnan ko si lolo na nakasuot lamang ng butas na pantalon, may sumbrero at halatang lumang luma na ang damit. "Sa bukid lang tayo,apo hindi sa isang kasiyahan." Pagbiro sa akin ni lolo nang makita niya ako. Nakasuot kasi ako ng asul na t-shirt na tinernuhan ng pantalon at asul na sapatos habang si lolo naman ay parang sasabak siya sa pagtatanim sa bukid sa suot niya. "Mamasyal lang naman tayo,lo. Hindi naman tayo magtatanim,hindi ba?" Sagot at tanong ko sa kanya. Napailing na lamang siya at inaya na niya akong sumunod sa kanya. Dahil malapit lang naman ang bukirin na aming pupuntahan ay naglakad na lang kaming dalawa. Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasan ang hindi mapatingin sa gubat. May kung anong pwersa sa akin na humahatak sa aking mga mata patungo sa gubat. Hindi ko alam kung bakit pero pajiramdam ko ay may kung ano sa loob ko na kailangan ko. "Lo, hindi ba sabi mo ay walang pumapasok sa gubat? Bakit parang may daanan naman papasok dito?" Wala sa lugar kong tanong sa kanya. Napatigil si lolo sa paglalakad at ganun din ako. Napatingin si lolo sa akin na parang nagtataka. Naging normal naman ang kilos ko para hindi siya makahalata na pumunta ako sa gubat kahapon. "Huwag na huwag mong susubuking sundan ang daanan na iyon." Sagot na lang niya sa akin na aking pinagtaka. Bakit ba ganun na lang ang babala sa akin ni lolo na huwag magpunta sa loob ng gubat? Kung pagbabasehan ko ang nangyari sa akin kahapon, isa lang naman yata yung panaginip eh. Walang katotohanan. Yung nilalang na nakita ko ay gawa lamang ng malikot kong imahinasyon. Wala naman nangyari sa aking masama, nakauwi naman ako ng ligtas pero bakit parang may mali? Gusto ko pa sanang magtanong sa kanya pero hindi ko na nagawa nang magpatuloy kami sa paglalakad. Ilang minuto pa ang nagdaan ay nakarating na rin kami sa aming bukirin. Nakaantabay na dito ang mga trabahador namin at agad na nagtitipon nang makita nila si lolo. May kaunting pagliliwanag lamang ang nangyari. Sa dami nila, hinati ni lolo ang mga ito sa dalawang grupo. Ang isang grupo ay magtatanim ng mais sa kabilang banda at ang isang grupo naman ay tabacco. Inutusan ako ni lolo na magpunta na muna sa lilim ng isang puno at sinabi niyang panuorin ko raw kung ano ang kanilang gagawin. Alam ko naman ang dahilan ni lolo kung bakit niya ako isinama dito. Para makita ng aking mga mata kung gaano kasimple ang buhay dito sa probinsya. Lahat ay nagtutulong para sa magandang resulta. Habang pinapanood ko silang nagtatanim sa ilalaim ng init ng araw, bigla akong napaisip. Ang laki pala talaga ng pakinabang ng mga magsasaka sa atin. Sila ang dahilan kung bakit may nakahain sa ting hapag-kainan. Sila ang naghihirap para huwag tayong magutom. Kung titignan mo sila ay sasabihin mong "magsasaka lamang sila." Pero hindi mo naisip na kung wala sila, paano na tayong hindi magsasaka? Paano tayo makakain ng mga masusutansyang gulay kung wala sila? Kaya huwag niyong maliliitin ang mga magsasaka dahil kahit na ganun ang trabaho nila, marangal at marami silang natutulungan. Napabuntong hininga na lamang ako. Napatingin ako sa may gubat at parang may nakita akong isang pigura ng isang tao. Tinignan ko ito ng mabuti at napagtanto ko na may isang lalaki ang nakatayo. Nakasuot siya ng isang asul na damit hanggang sa kanyang paa na parang sa pari. Nakatingin siya sa aking direksyon at para bang tinitigan niya ako. Kinusot ko ang aking mga mata at muling tumingin sa direksyon ng lalaki pero wala na ito. Siguro ay namamalikmata na naman ako. Araw-araw akong sinasama ni lolo sa aming mga sakahan. Wala naman akong ginagawa kundi ang panuorin lamang sila. Hindi naman ako nababagot dahil nawiwili akong panuorin sila. Kahit na mahirap ang kanilang ginagawa ay nakangiti pa rin sila. Sa bawat araw na nasa bukirin ako, hindi ko alam kung bakit parati akong napapatingin sa may gubat at kapag tumitingin ako sa direksyon nito ay may nakikita akong isang lalaki pero panandalian lamang dahil bigla na lamang itong nawawala. Noong una ay akala ko namamalikmata lang ako pero naisip ko na kung namamalikmata ako ay bakit araw-araw nakikita ko siya na nakatayo sa may bungad ng gubat? Pilit ko mang ialis sa aking isipan ang tungkol sa lalaki sa may gubat pero hindi ko magawa. Para bang may nakakunekta sa aming dalawa? Alam niyo yun? Parang may kung ano sa loob ko na kailangan ko siyang makilala at makausap dahil pakiramdam ko ay may malaking parte siya sa buhay ko. "Apo, bakit parang ang lalim yata ng iniisip mo?" Pagpuna sa akin ni lola. Naghahapunan na kami ngayon at nasa kusina. Tatlo lamang kani nina lolo at kola dito. "Wala,la. May iniisip lang ako." Sagot ko na lang sa kanya. Hindi na muli silang nagtanong sa akin at nagpatuloy na sa pagkain. Matapos kaming maghapunan ay nagpunta na ako sa aking kwarto para magpahinga pero bago ako mahiga ay maliligo na muna ako. Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagdamit at binagsak ang aking katawan sa aking kama. Wala naman akong ginawa masyado sa araw na ito pero pakiramdam ko ay pagod ako. Hindi ko alam pero parang nanghihina ako. Makalipas ang kalahating oras na pagkakahiga sa aking kama, hindi ako dinadalaw ng antok. Napabuntong hininga na lamang ako at tumayo sa aking kama. Lumabas ako ngbaking kwarto para magtimpla ng gatas. Pagdating ko dito sa kusina ay agad akong nagtimpla at pagkatapos ay kinuha ko ito para dalhin sa aking kwarto. Nang makalabas ako ng kusina, bigla akong nakarinig ng pag-uusap ng dalawang tao. Nabosesan ko naman yung isa na si lolo at yung isa naman ay hindi ko alam. Malalim ang kanyang boses at ang kanyang pananalita ay parang sa makaluma. Sinundan ko kung saan sila nag-uusap at napunta ako dito sa likod ng bahay. Sinilip ko kung nandoon ba sina lolo at ang kausao niya at nakita ko naman siya. Nakatalikod siya sa akin pero hindi ko makita ang kausap ni lolo. "Akala ko ba tapos na ang kasunduan namin? Bakit ngayon ay nandito ka na naman?" Tanong ni lolo sa kausap niya na hindi ko makita. "Alam mong hindi naganap ang naging kasunduan niyo ni Amang, iyon ay pakiusap mo lamang na pinagbigyan niya." Sagot ng kausap ni lolo. "Pero, paano na ngayon? May asawa na ang anak ko at alam kong may asawa na rin ang anak niya kaya ano pa ba ang silbi ng kasunduang yun?" Mga tanong ni lolo sa kanyang kausap. Ilang saglit pa ay nakita ko ang kausap ni lolo mula sa kanyang harapan. Hindi siya masyadong matangkad at halatang may katandahan na rin ito. Nakasuot siya ng puting damit na parang sa mga pari at may nakasabit sa kanyang leeg na asul na bilog. "Ang mga apo niyo ang magpapatuloy sa inyong kasunduan." Maikling sagot ng lalaki kay lolo na nagpadilat ng aking mga mata. Ako? Kasali ako sa usapan nila ni lolo at nung kausap niya? Ano naman kayang kasunduan ang pinag-uusapan nila? "Pero,sa pagkakaalam ko ay lalaki ang anak ng anak ni Amang. Paano yun eh lalaki rin ang aking mga apo?" Sagot ni lolo sa kanya. Napailing na lamang ang lalaki sa sinabi ni lolo at natahimik. Nagkatitigan silang dalawa. "Wala tayong magagawa kundi ang sundin ang kasunduan. Alam mo naman na ang isang kasunduan sa amin ay sagrado. Ang hiling mo noon ay ang unang kasunduang hindi naganap kaya sa pagkakataong ito ay hindi na pwedeng isawalang bahala. Mahina na si Amang at alam namin na malapit na siyang maging Supremo. Kung hindi matutupad ang kasunduan niyo ni Amang ay hindi lang kami ang maapektuhan kundi pati na rin sa takbo ng inyong mundo." Mahaba niyang sagot sa sinabi ni lolo. Napatigil si lolo dahil sa sinabi ng lalaki. Napayuko siya at para bang nag-iisip kung ano ang magiging desisyon niya. "Kausapin ko na muna ang apo ko. Ipapaliwanag ko muna sa kanya at kung ano ang desisyon niya ay wala akong magagawa." Sagot ni lolo sa lalaki. "Hindi na kailangan." Sambit ng lalaki at biglang tumingin sa aking direksyon. Naging mabilis naman ang aking kilos at agad na bakatago. "Kung nais niyang maging tahimik dito sa mundo niyo, ang buhay niyo ay pupunta siya sa gubat. May naghihintay sa kanya doon para ihatid sa aming mundo. Ang kailangan niya lang gawin ay ihanda ang kanyang kapalaran kung ano man ang nakasulat sa kanyang palad." Dagdag pa niya. Alam kong alam ng lalaki na nagtatago ako kaya nilakasan ang boses niya para marinig ko. "Paalam na sa iyo,kaibigan. Aasahan namin ang pagpunta ng iyong apo sa aming mundo." Paalam ng lalaki. Agad akong kumilos papasok sa bahay para hindi ako makita ni lolo. Dali dali akong bumalik sa aking kwarto. Nang makahiga ako sa aking kama ay naglaro sa aking isipan tungkol sa mga narinig ko. Para bang may kung ano sa akin na dapat akong pumunta roon pero paano na lang sina lolo at lola? Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang gusto kong pumunta? Ano ba ang meron sa lugar na yun? Napabuntong hininga ako at napatayo sa kama. Ipinikit ang aking mga mata. Nakapagdesisyon na ako. Pupunta ako sa lugar na sinasabi ng kausap ni lolo. Alam kong hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin doon pero pakiramdam kona ay dapat akongbpumunta doon. Gisto ko rin malaman ang tungkol sa kasunduan ng aking lolo sa tinatawag na Amang. Bahala na, basta ang gusto ng katawan, isip at puso ko ay pupunta ako doon. Hindi ko rin maintindihan sarili ko. Nagtungo ako sa kabinet at kinuha ang aking bag. Kumuha ako jg aking damit atbpagkatapos ay dahan dahan akong lumabas ng kwarto ko. Naging matagumpay ang pagtakas ko. Paglabas ko ng bahay ay agad akong naglakad patungo sa gubat. PagdTing ko sa bungad, agad kong nakita ang lalaking kausap kanina ni lolo. "Ang tagal kitang hinintay dito. Akala ko ay hindi ka na darating." Sabi niya sa akin na pinagtaka ko. Alam niyang pupunta ako at hinintay niya ako? Paano? "Alam kong narinig mo ang usapan ng lolo mo kanina. Ngayon, tatanungin kita, gisto mo ba talagang sumama sa akin? Pwedeng magbago ang buhay mo, pwedeng makasira sayo pero pwede ring magpasaya sayo at maiiligtas mo pa ang mga kalahi mo kung hindi magaganap ang kasunduan ng lolo mo at no Amang." Paninigurado noya sa akin. Tumango ako sa kanya bilang sagot. Nginitian niya lamang ako naglakad palapit sa akin. "Ihanda mo ang iyong sarili dahil papasok ka sa isang mundo na ngayon mo lang makikita." Sabi jiya sa akin at pagkatapos ay hinawakan noya ang aking kamay. Naramdaman ko na lang na parang nahihilo ako. Napatingin ako sa aming paligid at napagtanto kong gumagalaw ang paligid. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Ilang saglit pa ay nakaharap na kami sa isang malaking kahoy dito sa loob ng gubat at may sinambit na mga katagang hindi ko maintindihan. Ilang saglit pa ay biglang nagkaroon ng parang poryal sa may kahoy. Tinignan ako ng lalaki at inaya niya akong pumasok na. Ako naman ay parang sunod sunoran sa kanya at naglakad akong palapit sa kanya. Ano kaya ang madadatnan ko sa pupuntahan namin? Ano kaya yung kasunduan ni lolo kay Amang? Ano kaya ang gagawin ko sa lugar nila? ...........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD