SA gitna ng pagkatok at pagsigaw ni Irene sa pinto ng kwarto ni Norman ay biglang bumukas iyon. Bahagya siyang nagulat at nanlaki ang mga mata nang bumulaga sa kaniya si Norman na wala nang pang-itaas at tanging brief na lang ang suot. Sa likod nito ay nakita niya si April na nakasiksik sa isang sulok ng kama habang yakap ang hubo’t hubad na katawan. Nanginginig ito at takot na takot. “Istorbo ka, a! Naiinggit ka ba? Gusto mo bang sumali, Irene?” Hinawakan ni Norman ang kamay niya at hinila siya papunta sa loob ng kwarto. Nanlaban naman siya at humawak siya sa gilid ng pintuan. “Ayoko! Bitiwan mo ako! Manyak ka!” Pagwawala niya. Ngumisi si Norman sabay bitaw sa kaniya. “Huwag kang mag-alala, sa ibang araw naman ay ikaw naman!” Makahulugan nitong sabi. “Kaya kung ayaw mong mapaaga ang pa

