MAAGANG GUMISING SI Edel para ipaghanda ng breakfast si Eros. Marunong din naman siyang magluto kahit papaano. Takang-taka naman ito nang maabutan ang masaganang breakfast sa hapag. Madalas kasi ay coffee at toast lang ang nandoon dahil hindi rin naman mahilig mag breakfast ang lalaki.
“Himala! Anong sakit mo, Edelweiss at naisipan mong magluto?” tudyo nito at natatawang nilagyan ng fried rice ang plato.
“Gusto kasi kitang lasunin,” inis na sagot ni Edel at nilagyan din ng pagkain ang sariling plato.
Natigilan ang lalaki at napatingin kay Edel na tila sinusuri kung totoo ang sinasabi nito pero agad ding tinikman ang pagkain nang makitang kumakain si Edel. Hindi naman siguro siya nito lalasunin.
“Eros,” tawag ni Edel sa kapatid nang nasa kalagitnaan sila ng pagkain. “I just want to ask you a favor.”
Napatigil sa pagsubo ng pancake si Eros.
“I want to go to the university to meet someone.”
“Why?” Kunwari ay walang alam ang lalaki kahit pa may kutob na siya. Graduate na sila ng college at bakasyon ngayon.
“I want to see Axel.”
“Axel, who?” patay-malisyang tanong niya.
“My boyfriend.”
“Sabi na nga ba,” nakasimangot na bulong ni Eros. “Kaya pala ipinagluto ako ng breakfast ng bruha.”
“Eros…” untag ni Edel.
“Sunog naman itong French toast,” kunwari ay reklamo niya.
“Eros, please,” seryosong sabi ni ni Edel.
Napabuntong-hininga si Eros at ngumiti, “Okay.”
“Talaga? Papayagan mo ako?” Hindi makapaniwala sa narinig si Edel.
“Oo na. Dahil mabait ka at ipinagluto ako ng breakfast.”
“Salamat.”
“Sa isang kundisyon,” pilyong ngumiti si Eros. Gusto niyang makita ang pagtatagpo ng dalawa. Lalo pa at ibinalita ni Rex kanina na may bago na agad nililigawan si Axel “Sasama ako.”
HINDI ALAM NI Edel kung bakit kanina pa nakangiti si Eros na tila maganda ang mood. Hindi kaya nagkabalikan na ito at si Shaina? Pero agad nawala ang isiping iyon nang mapadaan sila sa isang coffee shop at nakita si Shaina kasama ang kasintahan na nagkakape.
“Eros, gusto mo munang magkape?” tanong niya sa lalaki.
“Sure,” sagot nito. “Saang coffee shop?”
“Doon o, mukhang masarap ang kape nila.”
Tumingin si Eros sa coffee shop na itinuro ni Edel at natawa ang babae nang mawala ang ngiti sa mga labi nito.
Isang masamang tingin ang ipinukol ni Eros kay Edel.
“Ang sipag naman ng dalawang iyon na mag-aral,” patay-malisyang sabi naman ni Edel na ang tinutukoy ay si Sorell at Shaina.
Hindi sumagot si Eros at nag-concentrate lang sa pagmamaneho.
“Maghintay ka lang, Edel. Ako naman ang mang-aasar mamaya,” natatawang bulong ni Eros sa sarili.
INIS NA INIS si Edel nang hanggang sa pagpunta sa basketball court ay nakasunod pa rin si Eros. Hindi niya naman masaway at baka tumawag ng bodyguard at bitbitin siya pauwi. Ayaw niyang hiwalayan siya ni Axel. Pagtitiisan niya na lang ito dahil twenty seven na siya, wala pa rin siyang love life.
Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makitang may nakakandong na babae rito at naglalambingan ang dalawa.
“Akala ko ba boyfriend mo si Axel? Bakit may kasamang ibang babae?” narinig niyang tanong ni Eros pero hindi niya na sinagot iyon at tumalikod na.
“Hoy, akala ko ba mag-uusap kayo?” untag ng lalaki at tinawag si Axel kaya napalingon ito.
Lalo namang binilisan ni Edel ang paglakad lalo na nang marinig ang pagtawag ni Axel.
“Edel!” hinabol siya ni Axel at tinangka siyang pigilan, “Edel, sandali. Mag-usap tayo.”
Isang sapak ang nagpatumba rito.
“Edel…” halatang hindi makapaniwala si Axel sa ginawa ng babae.
Muling tumalikod si Edel at naglakad palayo.
“Edel, I’m sorry,” sigaw ni Axel at muling tumayo para habulin sila hanggang sa makasakay ng kotse ang dalawa.
“Umalis na tayo, Eros,” utos ni Edel.
“Mag-uusap pa raw kayo,” sabi naman ni Eros.
“Edel,” kinatok ni Axel ang bintana, “hayaan mo akong magpaliwanag, please.”
“Kausapin mo na baka basagin pa nyan ang bintana ng kotse ko,” reklamo ni Eros pero natigilan ito nang makitang namumula na ang mata ng kasama.
Nakaramdam naman siya ng awa rito kaya inistart niya na ang kotse, “Sabi ko nga, huwag na kayong mag-usap.”
TAHIMIK ANG DALAWA habang nasa kotse. Palihim na sinusulyapan ni Eros ang kasama pero hindi naman ito umiiyak. Nakatulala lang ito habang pinagmamasdan ang daan.
“Mahal kaya talaga niya si Axel?” tanong ni Eros sa sarili. Nakaramdam tuloy siya ng guilt sa ginawa.
Pero umiral ang pagiging pilyo ni Eros at naisipang asarin ang babae.
It’s payback time.
“Tara sa bar,” aya ni Eros. “Alam ko namang kailangan mong uminom para makalimot.”
“I don’t need to,” sabi nito. “I’m not even affected.”
“Talaga? Iiyak ka na nga, e.”
“Who told you?” sarkastikong tanong nito. “I can replace him in just a minute.”
“Di nga?” nang-aasar na tanong ni Eros, “e ‘di wow. Nahiya naman ang abs ko sa alindog mo na ipinagpalit ni Axel.”
“Hiyang-hiya rin ang kaseksihan ko sa abs mo na pinagpalit ni Shaina,” bwelta naman ni Edel.
Hindi agad nakasagot si Eros kaya natawa ito.
“Shaina is too innocent,” sabi ni Eros. “Mas bagay sila ni Sorell. I’m too perfect for her.”
Napailing na lang si Edel sa lakas ng hangin ng kapatid.
“Baka naman liparin na tayo sa kahanginan mo.”
“Totoo naman. Have you seen Axel’s abs? Walang-wala sa abs ko,” sabi pa ni Eros.
“Of course, nakita ko na. Walang-wala ‘yang abs mo na ikaw lang nahuhumaling.”
“Kaya naman pala hirap kang makamove on e,” natawa si Eros. “Dahil sa abs ni Axel.”
Hindi na nagsalita ang babae at halatang wala sa mood na makipagbiruan. Lalo tuloy ginanahang mang-asar si Eros.
“Kawawa naman, iniwan ni Axel,” lumabi pa si Eros na parang bata. “Goodbye, abs.”
Hindi pa rin kumikibo si Edel kaya lalo itong kinulit ni Eros
“Iiyak na ‘yan! Iiyak na ‘yan!”
Nabitiwan niya ang manibela at muntik nang mabangga ang kotse nila nang bigla siyang kabigin ni Edel at halikan. Tila huminto ang mundo ni Eros. It’s been a while nang huli nilang gawin iyon. Kahit binubusinahan na sila ng mga sasakyan sa likod ay nagawa pa ring tugunin ni Eros ang halik ng babae. Saglit siyang nawala sa katinuan.
Nagulat si Eros nang bigla na lang siyang itulak ni Edel palayo at doon lang niya naalala kung nasaan sila. Galit na galit na ang mga sasakyan sa likod at walang tigil sa pagbusina.
“Hindi ka pa rin nagbabago, Eros,” sabi ng babae. “You still don’t know how to kiss.”
Tumayo ang babae at lumabas ng kotse. Naiwan namang wala sa sarili si Eros at hindi na nito nahabol si Edel na sumakay ng taxi. Lalo na nang lumapit ang traffic enforcer at hulihin siya.
PAGKATAPOS BAYARAN ANG penalty ay pinaalis rin ng traffic enforcer si Eros. Wala pa rin sa sariling nagmamaneho ang binata dahil hindi mawala sa isip niya ang nangyari kanina.
“Kailangan pala asarin muna kita, Edel,” lihim na natawa si Eros, “Hindi pala marunong humalik ha. Humanda ka sa’kin pag uwi ko.”
Malapit na siya sa bahay nang makatanggap ng tawag. Napangiti siya nang makita kung sino iyon.
“What’s up, Hyde? Miss me already?”
“You’re stupid, Eros. Kaya ka napapahamak,” natigilan si Eros nang mapansing galit ang tinig nito o mas tamang sabihing natataranta ang lalaki.
“Ano na namang problema mo?” natatawang tanong ni Eros. “By the way, natanggap mo ba ang pinadala kong mga biscuit, kasya na siguro iyon para sa lamay mo.”
“This is not a joke,” nanggigigil na sabi ni Hyde. “Give us back the Blacksmith files now!”
Nakaramdam ng kaba si Eros. Hindi ba ninakaw ng mga ito iyon mula kay Wesley?
Pero hindi nagpahalata ang lalaki na wala siyang alam na wala na pala sa mga ito ang files.
“What if I don’t want?”
Sarkastikong tumawa si Hyde, “You don’t want o wala rin sa’yo?”
Hindi nakasagot si Eros. Hindi kaya tinatraydor rin siya ni Wesley?
“Darkwest stole it from us. You don’t even know the guy, Eros and what is he capable of doing pero pinagkatiwalaan mo. I’m sure alam niya na ang sikreto ng grupo at wanted na siya sa nakakataas.”
“I trust Wesley more than you, Hyde.”
“I hope you won’t regret it,” seryosong sabi ni Hyde, “But I believe wala na sa kanya ang mga files because we raided his house at mukhang wala ngang itinatago ang hayop na iyon.”
Kinabahan si Eros. Baka kung ano nang masamang nangyari kay Wesley at sa mga anak nito.
“Isang tao lang ang alam kong may hawak noon because I saw them together in one car.”
“Hyde, stop saying nonsense.”
“Akala mo ba your sister is loyal to you? Edel only cares about power. Nasa kanya ang usb at hindi niya sinasabi sa’yo dahil tinatraydor ka rin niya katulad ng pagta-traydor ni Wesley sa'yo. You’re doomed, Eros.”
Hindi na napigilan ni Eros ang sarili at pinatay ang cellphone. Kaya naman pala ganoon na lang ang katuwaan ng dalawa nang magkita. May balak pala ang mga ito. Hindi niya alam kung sino ang pagkakatiwalaan niya.
“HELLO, EROS,” BUNGAD ni Wesley nang tawagan siya nito.
“Nagawa mo na ba ang ipinapagawa ko?” malamig na tanong ni Eros.
“Not yet. Mahigpit kasi ang bantay ni Hyde ngayon.”
“Talaga?” sarkastikong tanong ni Eros. “O, baka naman ibinigay mo na kay Edel.”
Hindi agad nakasagot si Wesley sa kabilang linya.
“Anong ibinigay sa’yo ng babaeng iyon, Wesley? Akala ko ba kakampi kita?”
“Eros, Edel has a reason to keep the files.”
“We’ll talk tomorrow,” paalam na ni Eros. Masamang-masama ang loob niya dahil kahit hindi direktang umamin ang lalaki ay kumpirmadong ibinigay nga nito kay Edel ang usb.
“Eros, trust your sister. If you think, tinraydor kita, then so be it. But you have to trust her.”
Hindi na sumagot si Eros at pinatay na ang cellphone. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi man lang nabawasan ang tiwala niya kay Wesley. He knows na mabuti itong tao pero bakit nagawa nito ang bagay na iyon?
LALONG NAG-INIT ANG ulo ni Eros nang makita si Edel malapit sa kapehan na may kasamang lalaki. Ang bilis namang makamove on ng babaeng ito. Inihinto niya ang kotse sa isang tabi at bumaba ng sasakyan.
Well, it’s time for her to go home.
“Eros, nandito ka pala,” kaswal na bati ni Edel. “Do you remember Jeff?”
Jeff?
Kinabahan si Eros. Sino bang hindi makakalimot sa lalaki? Ito lang naman ang first love ni Edel na iniyakan nito ng ilang linggo at nag hunger strike pa dahil ayaw payagan ng mga magulang nila na makipagkita sa lalaki. Ang alam niya ay nasa Amerika na ito.
“Yeah, I remember him,” pormal na sabi ni Eros.
“Ikaw na ba ‘yan, Eros?” natatawang tumayo si Jeff at niyakap siya. Gumanti naman siya kahit wala siya sa mood makipag-usap dito. He will never forget how he was taken for granted nang dumating ito sa buhay ng ate niya. Hindi na siya ipinapasyal ng babae dahil busy ito sa pakikipag-date.
“Binatang-binata ka na ha.”
“Buti naman naisipan mong magbakasyon dito,” tipid ang ngiting sabi ni Eros.
“I’m staying here for good,” nakangiting sabi ng lalaki.
Lalong kinabahan si Eros. Mukhang magkakaroon pa siya ng kaagaw. Hindi yata siya papayag.
“Mabuti pa, umuwi ka na muna, Eros,” halatang itinataboy na siya ni Edel. “I want to catch up with Jeff. Matagal yata kaming hindi nakapag-usap.”
“Well, the truth is, pinapauwi ka na ni papa kaya kita sinusundo.”
Tawa naman nang tawa si Jeff, “hanggang ngayon ba naman nagseselos ka pa rin sa’kin, Eros? Nakakatuwa talaga kayong mag ate. Wala kayong pinagbago.”
Sasabihin sana ni Edel na tatawag na lang ito sa bahay pero lumapit si Eros at pasimpleng bumulong dito, “Come now kung ayaw mong ratratin ko ng bala ang lalaking iyan.”
Napabuntong-hininga si Edel at pilit na ngumiti kay Jeff, “I think I need to go, Jeff. Importante kasi ang pag-uusapan namin ni Dad. It’s nice seeing you again.”
“Me too, Edel,” niyakap pa ni Jeff si Edel. “Let’s go for a coffee date next time. I really miss you.”
“Sure,” sagot ni Edel.
Wala nang nagawa ang babae kung hindi sumunod kay Eros nang muli siyang ayain nitong umalis. Mabuti na lang at nakapagpalitan na sila ng number bago pa dumating ang lalaki.
WALA SA MOOD si Eros habang nagmamaneho pauwi at kahit si Edel ay hindi nagsasalita. Halatang nainis ang babae nang sumingit si Eros sa date nito. Gusto namang batukan ni Eros ang sarili dahil nawala ang lahat ng galit niya sa natuklasan nang makita si Edel. Ibang bagay ang nasa isip niya ngayon.
“Relax, Eros. Hinalikan ka lang, ‘di ka na naman mapakali dyan,” saway niya sa sarili.
“Magpapahinga na ako,” malamig na paalam ni Edel nang makapasok sila sa loob ng condo. Hindi nito napansin na nakasunod pala si Eros.
Papasok na sana ang babae sa kwarto nang harangan ito ni Eros.
“Gusto kong magpahinga, Eros. Lumayas ka sa harapan ko,” inis na sita ng babae.
“Pagkatapos mo akong ipahamak sa traffic enforcer? No way.”
“Then what? Are we going to stand here all night?”
Ngumisi si Eros. “Standing alone is boring.”
“So umalis ka na dyan para pareho tayong makapagpahinga.”
Eros leaned in, trapping her sa pintuan. “I want to prove you wrong.”
Blanko ang mukha na sinulyapan ni Edel ang mga braso niya bago nakipagtitigan sa kanya. At gusto niyang mainis dahil wala man lang siyang nakitang reaksyon sa mukha nito. Samantalang siya, he almost lost his mind dahil sa halik nito kanina.
“I’m no longer that sixteen year old boy na sinasabi mong hindi marunong humalik, Edel.”
Pagak na tumawa si Edel. “I’ve given you the chance. You just bored me.”
“Hindi counted ‘yon, you surprised me.”
Tatalikuran sana ni Edel si Eros nang mahigpit nitong hinawakan ang braso niya. Galit na hinarap ni Edel ang lalaki.
“Trying hard ka pa rin, kahit kailan.”
Ngumiti nang nakakaloko si Eros at pagkatapos ay walang babala siyang hinalikan.
Isang sapak ang nagpatumba kay Eros at walang paalam na umalis si Edel.
Natatawa siyang nahiga sa kama at hinayaan na si Edel. Dito muna siya matutulog sa kwarto ng babae. The room smells like Edel’s favorite perfume.
Napangiti na naman siya nang maalala ang ginawang paghalik nito sa kanya kanina. Mapapaamo niya rin ito.
Hanggang sa nakatulog ay laman ng isip ni Eros ang pangyayari sa loob ng kotse.
“EROS…”
Inaantok pa si Eros at wala sa huwisyo nang maramdaman ang mahinang pagyugyog sa katawan niya. Instead of opening his eyes, he hugged her and buried his face on her shoulder.
“Later, I’m still sleepy, momsy.”
“Eros, hoy! Gumising ka nga.”
“Mamaya na,” reklamo ni Eros. “I still want to enjoy this moment…”
“What the hell, Eros. Wake up!” pilit na kumawala ito sa mga yakap niya.
Nagtatakang nagmulat ng mata si Eros nang mapansing iba ang boses ng babae at ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makitang wala naman si Edel sa tabi.
Naitulak niya palayo si Emman na tawa nang tawa.