HINDI ALAM NI Eros kung saan siya pupunta nang makaalis sa condong tinutuluyan. Alam niyang hindi na siya safe kahit saan siya pumunta pero wala na siyang pakialam sa kaligtasan. Mas gugustuhin niya nang mamatay kaysa humingi ng tulong sa lalaking kinapopootan niya. Nagulat siya ng makatanggap ng tawag mula kay Wesley pero pinatay niya ang telepono. He’s done with his revenge. Pagod na siyang maghiganti. Maghahanap na lang siya ng matinong trabaho para balang-araw ay may maipagmalaki siya sa magiging asawa niya. Pero paano siya maghahanap? Naiwan niya lahat ng documents sa bahay ng mga Altamirano. Ano kaya kung bumalik na lang siya sa pamilya ng tatay Jaime niya? Kilala kaya siya ng mga ito? Wala rin siyang pera ngayon at ayaw niyang gamitin ang mga credit cards na hawak ngayon pang alam

