Atom Clavo's POV UMIINOM AKO ng juice papasok sa kusina. Pero napahinto ako nung marinig ang boses ng mama ni Cami at siya na nag-uusap. Akmang aalis na ako pero narinig ko ang pangalan niya. “Clavo? Atom Clavo? Yung anak ni Mayor?” I heard Cami’s mother. “Bakit napapadalas yata ang inyong pagkikita? Pansin kong lagi yan dito. Hindi ba kaklase mo si Rancel? Bakit hindi siya ang iniimbitahan mo rito?” “Hindi naman, Ma. Grupo naman kami kapag pumupunta sila rito. Hindi lang naman si Atom ang nandito.” I swallowed a bit and tasted the orange juice. Masarap sana yung juice pero mukhang hindi ako gusto ng mama niya, ah. “Hindi ka dapat sumasama riyan. Narinig mo ba na ang mga magulang niyan ay hiwalay? Besides, haven’t you heard na anak yan sa kabit ni Mayor Clavo? Nag-iisang anak kaya

