NAKIUSAP AKO kay Lucy na hanapan ako ng babaeng Doctor. Matapos nun ay nag-undergo ako ng iba’t ibang klaseng examination and test, kasama si Rancel. It has been a year and yet hindi pa ako nabubuntis. At first, we took it lightly. Pero habang tumatagal ay tila nagiging seryoso na ang sitwasyon.
“I don’t see any problem with Mrs. Salaez. There are no medical issues shown on my tests. But the probability of hormonal imbalances could be the reason behind it.” Ngumiti ito sa amin dahilan para kahit papaano ay gumaan ang loob ko. That I am healthy and have no issues with my health.
“Is there any possible way? To get my wife pregnant immediately?” Napabaling ako kay Rancel. Seryoso ang tingin niya sa Doktora at inayos ang kanyang salamin na suot. Napanguso ako at tila nanuyo ang lalamunan ko. “We did several strategies that were recommended also by other Doctors. But none of them work so far.”
“There are alternative medical procedures… aside from that, adoption. Kung ano sa tingin niyo komportabli kayong gawin. People adopt when they cannot get pregnant, kalaunan ay nagkakaanak din.”
Natawa si Rancel at napailing. It was such a ridiculous idea.
“How about the alternative medical procedures?” he asked attentively.
The Doctor paused and glanced at me. Maski ako ay napaayos na rin ng upo.
“Marami. In-vitro Fertilization, Donation of eggs, artificial insemination, surrogate birth…”
Kumunot ang nuo ko sa mga salitang hindi gaanong pamilyar sa akin. Narinig ko ang mabigat na pagbuntong hininga ni Rancel at banayad na pagtango, kahit alam kong hindi rin nito naiintindihan ang mga iyun at tila wala rin namang balak alamin pa.
“If you want to discuss it further. Just schedule an appointment with me, Mr. Salaez.”
TAHIMIK KAMI sa loob ng sasakyan habang tinatahak ang daan na madilim pauwi ng bahay. It was dark and the weather was not good. Malamig sa labas at ramdam ko iyun sa nakikitang mga sanga ng kahoy na marahas ang hampas.
“May bagyo ba?” taka niyang tanong sa akin.
“I am not sure. Bakit?”
“I have a photoshoot tomorrow in Palawan. Sana naman walang bagyo, malaking project pa naman yun.” Problemado siyang napailing at hinilot ang sentido.
“Are you alright?” marahan kong tanong at hinawakan ang kamay niyang nasa kambyo.
Kumunot ang nuo niya at bumaling sa akin.
“Oo naman,” he answered a bit clueless, and let out a chuckle. Isang iling ang ginawa nang mapabaling muli sa daan. Problemadong problemado sa paglakas ng hangin.
Nanuyo ang lalamunan ko at nanghinang napahilig sa upuan. Hinawakan ko na lamang ang seatbelt nung tanggalin niya ang palad sa kambyo para hawakan ang manibela. Dahilan para ang kamay ko ay bumagsak.
Hindi ko alam pero parang kinurot ang puso ko sa simpling bagay na iyun. I don’t know if I am just overreacting or maybe a bit drowned by the conversation we had with our doctor. I bit my lips and looked outside the window.
WHEN WE ARRIVED at our house, tahimik kaming gumawi sa aming pagkakaabalahan. Siya ay dumiretso sa kusina para magkape. Habang ako ay sa kuwarto para magshower at makapagbihis. But I was thinking a lot of things that I almost forgot how much time I have spent in the bathtub. Hanggang sa dinalaw ako ng antok doon at nakatulog ng ilang minuto.
“Cams, baby.”
Nagising ako ng maramdaman ang paghawak ni Rancel sa aking braso. I gasped and I realized that I was still in the bathtub.
“Kanina pa ako kumakatok, nakatulog kana rito.” Seryoso niya akong tinignan at napatikom ng labi. “Get up, baka lamigin ka na.” Tumayo siya at inayos ang bathrobe. Nakahanda na para isuot sa akin at hinihintay na lang ako.
Tumayo ako at sinuot iyun sa aking katawan. I sniffed and felt the coldness trying to envelop my body. Pero naramdaman ko ang yakap ni Rancel mula sa aking likuran.
“I’m sorry, are you upset?” marahan niyang bulong at inayos ang iilang hibla ng aking buhok para maayos siyang makahilig sa aking balikat. “We will find another, alright?”
Hindi ako umimik.
“Ayaw mong umampon?” pagsubok kong tanong sa kanya.
Ngunit nagpakawala ito ng tawa.
“Bakit ako mag-aalaga ng bata na hindi naman galing sa atin? I will only take care of our children, Cams. Kung hindi mo rin anak, kung hindi galing sayo. Hindi ko aalagaan yan.”
Kumunot ang nuo ko at hinarap siya.
“Maayos naman ang pakikitungo mo sa anak ni Ninya. Maski sa anak ni Liyah. Anong pinagkaiba kung umampon tayo?”
Masungit siyang napaiwas ng tingin. He pursed his lips and his hands went to my waist. Pero ramdam ko ang pagkawala niya ng gana sa usapan.
“I want our own, Cams. Our own baby. Don’t expect me to take care of other kids. Gusto ko yung sa atin.” He looked at me a bit disappointed. “Naiisip mong mag-alaga ng anak ng iba?” pagak siyang natawa.
Napayuko ako at mariin ang pagkakakunot ng nuo.
“Cams.” Hindi ko siya kinibo. “Camille, babe.” Hinawakan niya ang pisngi ko at inangat ng kaunti para magtagpo ang aming mga mata.
“Ang sabi mo, ayos lang naman sayo na kahit tayong dalawa lang. Pero bakit hindi iyun ang nararamdaman ko? Bakit parang kulang pa rin ako?” my voice cracked as I finally expressed my feelings about it. Matagal tagal ko rin itong ininda.
“What are you talking about? Of course, I want a family, ayaw mo ba nun?”
Tinabig ko ang braso niyang nakahawak sa aking pisngi. He groaned in disbelief as he shook his head and took a step backward.
“Ewan ko sayo Rancel. Hindi kita maintindihan. Gusto mong magkaanak tayo pero gusto mo sa paraan na hindi pa nangyayari. If you’re that excited and you want it so much, then… try alternative procedures.”
Now he turned a bit pissed off and annoyed.
“Pinipilit ba kita?” He stepped forward and his voice raised a bit.
“Yun ang nararamdaman ko.”
“Then you’re misinterpreting it! You’re concluding without even f*****g talking to me. Hindi iyan ang nais kong maramdaman mo Cams. This is unbelievable. Hindi ko alam kung bakit ka nagagalit.” He pointed at me.
“I should be the one asking that!” pagputok ko na rin sa inis. “Ikaw ang galit kasi hindi mo nakukuha ang gusto mong mangyari! Hindi ko pa nga kayang ibigay. Kahit pilitin ko, Rancel. Wala nga kasi! Kahit gustuhin ko, wala!” I burst into frustration.
“Pinipilit? Tangina naman, Cams! Hindi kita pinipilit.” When he saw that I stayed firmly on what I thought, he just smirked in disbelief. “Fine! If that’s what you think. Kung pinipilit kita edi pinipilit.” He muttered curses and left me in the bathroom.
Natulog akong mag-isa sa kama. At nagising din mag-isa, wala na si Rancel. Marahil natuloy siya sa kanyang event na pupuntahan. I didn’t even receive a text from him, or anything before he left. That night, I tried to call him. Ilang beses kasi minsan ay hindi siya makontak dahil wala sa signal ang phone niya.
"Cams," he muttered on the other line. It was almost midnight when he picked up. Paos at mukhang galing sa pagtulog iyun at nagising ko lang. "Why did you call?" seryoso niyang tanong.
"I.." Napanguso ako at kinagat ang daliri. Nakaupo sa kama habang may kumot sa aking paa.
"May problema ba? Is everything alright?" Tumikhim siya at narinig ko ang pagsarado ng pintuan sa kabilang linya.
"You... You didn't message me," I whispered.
I heard him sighed heavily.
"I'm sorry. I was busy the whole day. Ayos ka lang ba riyan?"
We talke briefly that night. Agad rin naman niyang pinatay ang tawag dahil abala pa siya bukas at naiintindihan ko iyun. Marami pa siyang gagawing trabaho. .