Present… Cami’s Restaurant MATAPOS ANG pagliligpit sa dating bahay noon na aking tinirhan din ng halos mahigit isang taon ay bumalik na ako agad sa restaurant. I’ve been busy lately, lalo na sa malaking selebrasyon na aming pinaghahandaan. “I never really thought that a fine dining restaurant fits you. How did you manage everything alone?” natatawa niyang sambit at hinalikan ako sa pisngi. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya matapos ang halik sa pisngi at hinawakan ako sa balikat. Looking proud and finally relieved. “You’re getting married soon. I know how busy you are kaya hindi na kita aabalahin pa.” “Thank you, Ma.” Mahigpit ko siyang niyakap at hindi pa rin makapaniwala na after two years nagawa kong magtayo ng sariling negosyo ko. Na kaya ko pala. Akala ko kung mag-isa a

