CONTINUATION OF FAWN FLASHBACK
Fawn Pov …………
Habang binabagtas namin ang papuntang terminal nang naglalakad ay hindi ko namalayan na nalaglag ang wallet ko .
Malapit na kami sa service nang mapasin kong nawawala ang wallet ko .
Kuya chase nalaglag yung wallet ko . – nag aalalang sabi ko habang palinga – linga sa daan .
Ano ? bakit kasi di mo iniingatan ang personal mong gamit , wag mo na hanapin ibibili na lang kita nun pag uwi natin nang laguna . – sabi ni kuya chase .
Hindi pwede kuya importante sa akin yun . – sagot ko naman
May gagawin pa ko I checheck ko pa tong engine at sila owen naman bumili nang makakain natin sa daan .
Kasama ni owen si kade at lincoln, hindi kita masasamahan dahil kailangan ko na I check to at baka sa daan pa magkaproblema ,
Jaiya ikaw na lang ang sumama kay fawn baka maligaw pa to ii. – mahabang sabi ni kuya chase .
Hindi na kuya masama pakiramdam ni jaiya , ako na lang saglit lang po ako promise – sagot ko kay kuya chase .
Oh siya sige dalian mo lang pag di mo nakita wag kana lumayo masyado okay ? sabi at pagpapa alala ni kuya chase .
Opo kuya - sagot ko sa kanya saka sinimulang balikan ang mga nadaanan namin mga ilang minuto din ang nasayang ko nang mahanap ko ang wallet ko sa lapag . hayyyssst buti na lang at nakita kita.
Pabalik na ko nang biglang may humawak sa balikat ko at may humarang sa daanan ko .
Ang ganda nito Pareng Andoy bitbitin mo na yan dali . – sabi nung lalaking maitim at may katangkaran na nasa harapan ko . Nang marinig ko yun agad akong nanginig sa takot at sisigaw na sana ako nang biglang tinakpan nang nasa likod ko ang bibig ko at saka ako tinutukan nang kutsilyo wala akong nagawa nang bitbitin nila ako at dahil dun nabitawan ko ang wallet ko. Halos himatayin ako sa takot at kaba dahil sa mga taong may bitbit sa akin. Nagdasal ako na sana ay may tumulong sa akin o makita ako ni kuya chase .
Isang napaka gandang boses ang narinig kong sumigaw .
HOY! Bitawan niyu siya . – sigaw nang magandang boses nang isang babae . kaya agad akong napadilat at duon ko nakita ang isa Ngang babae na may katangkaran at may pagka chinita ang mga mata.
Pareng Gaspar may isa pang maganda, bitbitin mo na yan nang matikman na hahahaha – sabi nang lalaking may buhat buhat sa akin .
Dahil sa mga narinig ko ay mas lalo akong kinabahan at natakot nang nilapitan nang gaspar yung babae kaya na pa pikit na lang ako dahil ayokong makita na dahil sa akin mapapahamak din siya. Pero agad akong napadilat nang makarinig nang sigaw nang lalaki at kitang kita ko kung paano niya sinapak at binalibag ang malaking lalaking yun. Dahil sa gulat nang nagbubuhat sa akin ay agad akong binaba at gagawing panangga sa babaeng pasugod sa kanya ngunit mali ang ginawa niya dahil mas tinamaan pa siya nang babae kaya agad akong nabitawan nang lalaki kaya agad akong gumapang palayo unti sa kanila . dahil sa gulat siguro kaya sobrang nginig pa din ang nararamdaman ko at napa tingin sa kanila
Laking gulat ko nang maglabas ng kutsilyo ang lalaki at aatakihin ang babaeng tumutulong sa akin.
Agad na sinalag ito nang babae at saka niya siniko sa ulo ito kaya agad itong nawalan nang malay at bumagsak sa damuhan.
Ayos ka lang ba?- tanong nang babaeng tumulong sa akin.
Oo ayos lang ako maraming maraming salamat talaga utang ko sayu ang buhay ko salamat talaga- sabi ko .
Naku wala yun basta ingat ka lang medyu madami talagang loko loko dito lalo na pag ganitong mga oras at teka nga pala wallet mo ata to ii nakita ko sa daan ii oh! Siya una na ko may hinahabol kasi ako ii sige ingat ka huh – sabi nang babae kaya nag pasalamat ulit ako .
END OF FLASHBACK
Chase Pov …
Hindi pa din ako makapaniwala sa sinabi ni Fawn kanina na nakita niya daw ang babaeng tumulong sa kanya. Totoo kaya ?
Eh baka Katulad lang din ito nung nakaraan na nakita niya daw pero hindi naman talaga nasa .
Ganoon akong pag-iisip ng bigla akong nakarinig ng doorbell sa pinto ng condo ko kaya agad ko itong pinuntahan at pinagbuksan.
Bro mukhang kailangan mo to bungad na sabi ni kade sa akin habang tinataas ang beer in cans at ilang mga pulutan
Tama ka Bro kailangan ko talaga yan ngayon tara pasok ka . sabi ko kay kade
Papasok na sana si kade nang biglang sumulpot si lincoln sa likod nito at saka nag salita.
How about me bro? can I join?.
Hahaha nandyan ka pala ang bilis mo huh kala ko ba bc ka at magkikita kayo ni jaiya ?. takang tanong ni Kade
Wala ii na cancel magkikita daw kase sila ni fawn ngayon ii. – sagot naman ni Lincoln
Tara pasok na nga kayu para maka pag simula na tayu. Singit ko sa pag uusap nila at saka naman sila pumasok.
Nasa sala na kami at agad na binuksan ni kade ang lata ng alak at inabot sa akin ang isa.
Bro Totoo ba ang text mo sa amin kanina? Tanong ni lincoln sa akin.
Oo nga bro Baka namamalik mata lang si Fawn kagaya ng 4 days ago sabi naman ni Kade.
Hindi ko din alam eh pero sa sinasabi ni company na parang nakita niya talaga Sagot ko naman sa mga ito eh paano kung totoo nga bro ?
Diba matagal mo na siyang gustong makita at makausap? Sabi ni Lincoln
Oo nga bro, Ano gagawin mo ? sabi din ni kade
Edi Kailangan na nating malaman kung totoo ngang nandito siya At kung Totoo nga ang sinabi ni Fawn Gusto ko siyang makita at makausap para makahingi ako ng pasasalamat sa kanya dahil sa ginawa niyang pagligtas kay Fawn noon. Sabi ko sa mga kaibigan ko.
( kung di niligtas ng babaeng yun ang pinsan kong si Fawn.
Hindi ko alam kung makakaharap pa ba ako kay tita at Tito .
Kaya gustong gusto ko talaga siya makita at maka usap upang formal na makapagpasalamat )
Flashback 1 year ago…
Tapos kona ayusin ang sasakyan namin Pauwi nang Laguna nang mapansin kong ilang minuto lang wala si Fawn at hindi pa nakakabalik, kaya tinawagan ko na ito .
Calling Fawn…..
Ring, Ring ,Ring, dinig kong Ring sa cellphone ko at narinig ko ding mag ring sa loob ng sasakyan kaya agad kong nilapitan kung Saan ko banda naririnig at dun ko nakita na nagmumula sa bag ni Fawn .
Nang makita ko doon ang CP niya ay agad akong dumaan kung saan siya dumaan para hanapin siya nang bigla ko siyang nakita na nakaupo sa sahig at magulo ang buhok habang yakap-yakap ang sarili niya.
Fawn! Fawn? Anong nangyari sayo Tanong ko sa kanya .
Kuya Chase . nanginginig at umiiyak na tawag sa akin fawn
Fawn ano ba nangyari sayo sabihin mo nga kay kuya Please pakiusap ko sa kanya .
Kuya Chase. Uwi na tayo please po . pakiusap ni fawn sa akin kaya tumango ako at agad ko siyang Kinarga dahil nakikita ko na hindi niya kayang lumakad dahil sa labis na panginginig nang buo niyang katawan.
Nang makarating kami sa sasakyan ay siya ding dating nila Kade ,owen at Lincoln .
Nagulat sila dahil karga ko si Fawn kaya agad silang lumapit sa akin at inalalayan naman ni Kade si fawn na makakababa sa akin.
Anong nangyari tanong ni Kade sa kanya na may pag-alala.
Pwede ba mamaya ko nalang sabihin? Gusto ko na kasing umuwe tumango ako pati sila atsaka ko pinag driver ng Van di owen pauwe nang Laguna.
Pero bago kami makapasok ng Laguna ay nagising si Fawn at agad akong hinanap nito kaya nagpalit kami ng pwesto ni Jaiya.
Kuya Chase, tawag niya po sa akin.
Nandito na si kuya fawn bakit? Tanong ko sa kanya pero bago siya magsalita ay binigyan ko muna siya ng bottle water. Nang matapos siyang makabibom ay saka siya nag salita .
Kuya Chase muntik na akong gahasain……
Hindi pa tapos ang sinasabi niya ay nagulat ako at di makapaniwala sa narinig kong salita.
ANONG SABI MO? MUNTIK KANA GAHASAIN?
Opo kuya pero hindi naman nila natuloy dahil may tumulong sa aking babae , Salamat sa kanya at tinulungan niya ko.
Sobra ang takot ko nang mga oras na yun pero nawala din agad nang marinig ko siyang sumigaw at pinabagsak noya ang dalawang lalaki, kuya napaka ganda at Tangkad niya rin . Sana ay makita ko ulit siya
Para makapagpasalamat ng maayos Mahabang sabi ko at saka ko niyakap gumanti na lang ako ng yakap din at hinaplos ang buhok niya.
Sobrang galit ko sa mga taong muntik ng Gumahasa sa pinsan ko sobra akong nagsisisi kung bakit ako naging pabaya sana sinamahan ko na lang siya Edi sana hindi niya naranasan ang pangyayaring iyon.
Nang maihatid na si Fawn , sa bahay nila.
Ay saka ako bumalik sa Albay upang hanapin ang mga muntik gumahasa sa kanya at nagbabakasali rin na bigla kong makita ang babaeng tumulong kay Fawn . hanggang sa nalaman ko na lang na napakulong na daw pala ang 2 lalaking muntik gumahasa kay fawn at yung babaeng tumulong daw sa dalaga ang nanghili at nagdala mismo sa prisinto kaya. Agad kong pinuntahan ang prisinto upang mag tanong kung ano ang pangalan ng babae pero di daw nila pwede ibigay dahil for security purposes daw . pero nagsabi naman ang pulis na lumipat na nang ibang lugar ang pamilya nang babae. Kaya nang malaman ko yun ay nagpasya na kong umuwe na lang pabalik nang laguna.