Jennifer Dellosa's POV "Saan ka ba tutungo nang ganitong oras, Jennie? Hatinggabi na at delikadong lumabas ng mag-isa!" sermon ni Tiya, habang abala ako sa pag-aayos ng aking sarili. Wala naman talaga sa plano ko na lumabas ngayong gabi. Pero naalala ko na anniversary namin ngayon ni Jonard, gusto ko sana siyang supresahin at puntahan siya sa kanyang apartment. "Bakit hindi mo tawagan ang nobyo at ng masundo ka?" muling aniya at lumapit na nga sa kinauupuan ko. Agad kong tinapos ang pagtali ko ng aking buhok upang balingan si Tiya. Hindi rin naman talaga maitatago ang labis na pag-aalala sa mukha nito habang kina-kausap ako. "Tiya," saad ko at marahang hinawakan ang kamay nito. "Susurpresahin ko po ang boyfriend ko kaya hindi niya pwedeng malaman na pupunta ako sa kanya. Hindi ko

