Anna’s (Cindy) pov UMIIYAK na nagmamaneho pauwi si Anna pagkatapos nilang maghiwalay ni Gab. Nahihiya siya kay Gab dahil sinira niya ang kanilang gabi. Kahit sino naman yata ay mabibigla kapag nakita mo ang taong akala mo ay patay na. Hindi niya mapigilang hindi maalala ang kanyang nakita kanina. Pakiramdam niya ay para siyang kandila na nauupos. Ang mukha ng lalaking kanyang nakita kanina ay nasa isipan niya pa rin at ayaw nang mabura pa. Naalala niya nang tawagan niya ang kanyang biyenan. Hindi niya maaaring makalimutan ang araw na iyon. Isa iyon sa pinakamasakit na alaala na hindi niya pwedeng kalimutan. Isang bangungot na paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan. Walang araw na hindi niya sinisisi ang kanyang sarili sa mga nangyari. “Ma?” tawag niya sa biyenan niya nang makonta

