Oca pov SA TUWING na tinitingnan niya si Guevarra ay lalo pa siyang nagliliyab sa labis na galit. Gusto niya itong tadtarin ng pino dahil sa pambababoy nito sa kanyang mga anak. Hindi niya akalain na maging si Gab ay may masamang karanasan sa demonyong Guevarra. Hindi niya matatanggap ang ipinagtapat kanina ni Gab. Kulang na lamang ay atakihin siya nang malaman niya ang pinagdaanan ni Guevarra. Kaya pala hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaroon ng nobya ang kanyang anak ay dahil sa naging karanasan nito. Naging mailap si Gab sa mga babae. Si Gab ay hindi niya tunay na anak. Anak ito nang kanilang Ate. Namatay ang ina nito nang ipinanganak ito kung kaya siya na umako kay Gab. Minahal niya at tinuring na tunay na anak si Gab. Wala naman siyang inilihim kay Gab tungkol sa pagkatao

