Anna’s pov ISANG LINGGO nang iniiwasan ni Anna si Gab. Hindi niya binubuksan ang mga text message at hindi niya rin sinasagot ang mga tawag nito. Hindi niya alam kung bakit pero isa lang alam niya. Kailangan niyang iwasan si Gab bago pa maging malalim ang kanilang ugnayan sa isat-isa. Hindi siya nararapat sa lalaki at tiyak na masasaktan lamang siya kapag hindi natanggap ni Gab ang kanyang nakaraan. Mabuti nang maaga pa lang ay tapusin niya na. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin lubos maisip na maraming inilihim sa kanya ang kanyang pamilya. Ayon sa source ni Joaquin sa Cagayan ay walang naka-file na death certificate sa munisipyo ng Cagayan. Hindi rin nakita ng mga kapitbahay nila ang bankay ni Marcus at Lara. Nakaplano lamang ang lahat upang palabasin na pinasok ang kanilang bahay a

