Napakurap-kurap siya ng mata, tinatantiya kung totoo nga bang nangyayari ang lahat ng ito ngayon. Kung lahat ba ay imaginations lang... Ilang beses na rin kasi niyang pinapanaginipan na mahalikan ulit ng asawa... Pero hindi eh. Ramdam niya ang kalambutan ng mga labi ni Tristan. Magaan at puno ng ingat ang halik nito, 'di tulad noong nasa condo sila nito halos durugin nito ang kaniyang mga labi at kainin. Marahan niya itinulak ito sa dibdib, umatras namn si Tristan at tinitigan ang kaniyang mga mata. She couldn't help but turn her gaze from him. Kakaiba ang titig nito sa kaniya, 'yun bang malulusaw ka sa klase ng titig nito. Na-a-out of tune na rin ang t***k ng kaniyang puso sa sobrang kaba. "Nadia..." Bulong nito sa kaniyang pangalan sabay haplos sa kaniyang namumulang pisngi. Akmang

