Sinco

1643 Words
DALAWANG ORAS na ang nakalipas, ngunit hanggang ngayon ay hindi parin dumarating ang 'espesiyal' na bisitang inaasahan. Hanggang ang dalawang oras ay naging tatlo, apat...lima... "Papa..." Mahina niyang tawag kay Don Lorenzo. Saglitang lumingon ito sa kaniya at ibinalik ang mga mata sa malaking gate ng hacienda. Bagamat ay binalot na ng dilim ang paligid ay hindi parin umaalis ang matandang Don sa terrace. "Papa, pumasok na po kayo..." Lumapit siya rito at tumayo sa tabi. "Baka hindi na darating ang bisita niyo oh, tignan niyo mag-a-alas dies y media na ng gabi..." Pinakita niya pa talaga ang suot niya relos. "Papa, ikakasama mo ang magtagal sa labas... Malamig na ang hangin oh..." Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga ang Don, at pagkaraan ay nagkibit balikat at inakbayan siya. "Salamat anak..." Anito ngunit mababanaag ang lungkot sa boses nito. Sino ba kasi ang bisitang hinihintay nito? Bakit ba kasi hindi man lang ito tumawag o mag-inform kahit sa text man lang na hindi ito darating. Gustong magalit ni Nadia pero mas pinili niyang manahimik na lamang para hindi na niya madagdagan ang sama ng loob nito. ---- "Kilala niyo po ba Aling Pet kung sino 'yung espesyal na bisitang hinihintay ni Papa?" Tanong ni Nadia sa may edad na kasambahay. Tinutulungan niya itong iligpit lahat ng mga handaan. Saglit natigilan si Aling Petrolina sa kaniyang ginagawang pagpunas ng malaking mesa, "h-hindi ko din ki-kilala!" Sagot nito na halatang iniiwasan ang kaniyang mga mata. "Ay... Aling Pet naman..." Aniya rito, "kilala kita eh...alam ko rin kung paano ka magsinungaling..." Nakalabi niyang sabi rito sa malambing na tono. Kailangan niyang mapaamin ang ginang, buong buhay itong nagsilbi sa hacienda. "A-ano ka bang bata ka! A-ano bang pinagsasabi mong na-nagsisinungaling ako!" Nauutal nitong sabi, tumalikod ito para iwasan siya. "Matulog ka na ngang bata ka..." "Aling Pet naman eh... Sabihin mo na. Hindi ka ba naaawa kay Papa Lorenzo?" Sumunod siya sa likuran nito. "Sino ba kasi yun? Bakit ba ang lungkot ni Papa dahil 'di siya dumating." "Sos! Nadia oi!" Sabad ni Aling Rositang bisaya, isa pang kasambahay sa hacienda na matagal na rin naninilbihan. "Hende mu alam na yong ispisyal na beseta ng Papa mu ay anak neya!" "Psst! Hoy bisaya manahimik ka nga!" Saway ni Aling Petronila. "Anak?" Kunot noong inulit niya ang salitang anak. May anak ang Papa Lorenzo niya? Bakit hindi niya alam? Bakit hindi man lang niya nakita ito sa larawan? Wala rin namang binanggit ito. "Uu anak neya, se Trestan!" "Oy pssstt! Tsismosa!" Saway ni Aling Petronila. "Eh baket ba Manang Pit? Malalaman naman yan ne Nadia eh, baket kase gosto pa ne Dun Lurinzu ang mag-sorpays!" "Kuh! Ikaw talagang mabungang ka! Eh kasi nga gusto ngang i-surpresa ni Don Lorenzo si Nadia!" Tinapon nito ang basahan sa mukha ng kasama. "Aray!" "May anak si Papa?" Naguguluhan niyang tanong. "Oo nga sabe eh," yamot na sagot ni Aling Rosita. "Anak neya sa asawa neyang malande, palibhasa makate pomatol sa esang trabahadur ng hacienda! Omales si Ma'am Gracia tangay ang bata pate na rin ang ebang pera ng Don. Yang se Trestan bata pa 'yan at wala pang kamowang-mowang, ngayun pa lang seya oowe deto por da pers taym." "Oist! Tama na! Sumusobra na ang the buzz mo! Mahaba na ang paliwanag mo!" Saway ni Aling Petronila. "Ngayon alam mo na Nadia, mas mabuti pang matulog ka na. Wala kami sa lugar para mag kuwento tungkol sa nakaraan ni Don Lorenzo, sadyang tsismosa talaga 'yang si Rosita." Pagtataboy nito sa kaniya. "Ang mabuti pa, hintayin mo na lang ang iyong ama na siya ang magkuwento." Hinawakan nito ang kaniyang kamay, "sige na anak matulog ka na... Kami na ang bahala dito." Nang gabing iyon ay hindi siya agad dinalaw ng antok, iniisip niya ang anak ng Don. Kaya pala lagingmalungkot ito, at nung siya ay iuwi nito at inampon ay minahal siya ng lubos-lubusan. Siguro sa kaniya ibinuhos ang lahat ng pagkukulang nito sa sariling anak, pero bakit hindi man lang ito nagkuwento? Pero sabagay sadyang malihim at misteryoso rin ang pagkatao nito, at madalang lang ito makipaghalobilo sa mga tao. ---- "Magandang umaga!" Masigla niyang bati sa kaniyang ama. Nakaupo ito sa isang tumba-tumba sa terrace ng hacienda, marahil hinihintay parin nito ang bisita, ang anak nito. "Magandang umaga din anak!" Bahag itong lumingon, "kay ganda ng umaga dahil may isang magandang katulad mo!" Kinuha nito ang kapeng nakalapag sa maliit na lamesang katabi. "Asus! Nambola pa talaga itong Papa ko!" Aniya at lumapit at yumakap mula sa likuran nito. "Papa, huwag ka nang malungkot malay mo baka bukas darating na siya," aniya at hinalikan ang ulo nito, "ahm Papa kailangan ko nang magpunta sa pagawaan." "Huh? Ang aga naman anak?" "Opo, kasi kailangan pa namin bilangain lahat ng mga products. Ready for shipment na yun, ihahatid na lang ng truck mamayang alas buebe." "Ah ganun ba? Ang sipag naman ng Nadia ko," tinapik-tapik nito ang kaniyang braso. "Oh siya mag-iingat ka ha." "Opo Papa! Kayo din po ha, uuwi ako ng tanghali, promise! Sabay tayong kakain ng pananghalian." Nakangiti niyang sabi at nag-peksman pa. "Hahaha! Ikaw talagang bata ka. Oh siya sige hintayin kita mamaya!" ------ Naisipan ni Nadia ang gumamit ng bisikleta upang madali siyang makarating sa pagawaan. Matamis ang kaniyang ngiti habang binabaybay ang luntiang daan na puno ng bulaklak at puno, sa kabilang dako ay makikita ang plantation ng ratan ng hacienda at sa kabila naman ay ang sugarcane farm. Sa ekta-ektaryang lupain ni Don Lorenzo marami itong mga tanim na nagagawa nilang ipang-export at import. Yung mga ibang mga tinatanpon nama'y na isipan ni Nadia na may silbi pa ang mga yun at ginawang mga handy crafts yung iba naman ay ginawang decorations at furnitures. Malaking tulong iyon sa mga trabahador nila, lalo na yung may mga pinapaaral na anak. Sapat na rin para sa araw-araw na pang gastos at nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Sa di kalayuan ay may natanaw siyang isang pamilyar na pigura ng lalake, lumawak ang kaniyang pagkakangiti nang mapagsino ito. "Salvador!" Tawag niya rito at kumaway. Binilisan niya ang pagpedal para malapitan ito. Kumaway rin ang lalakeng tinawag. "Nadia!" Ang lapad ng ngiti nitong kay tamis-tamis. Si Salvador ay ang bunsong kapatid ni Aling Petronila na limang taon lang ang tanda sa kaniya. Isa itong sundalo at kada anim na buwan itong umuuwi sa hacienda para bisitahin ang pamilya, at matagal na rin itong nanliligaw sa dalaga ngunit hanggang kaibigan lang talaga ang maibibigay ni Nadia. "Hoy kumusta ka na? Kakarating mo lang ba?" Tanong niya sa binata nang tuluyan na siyang nakalapit dito. "Eto mabuti," ngumiti ito ng kay tamis at ang nangingispal ang mga mata. "Kaninang madaling araw lang ako dumating, papunta sana ako sa bahay niyo para bisitahin si Manang Pet...pati siyempre sa'yo." Anito. "Naku ganun ba? Sayang kailangan ko na kasi magpunta sa pagawaan, hindi kita mabibigyan man lang kahit kape." Ngumisi siya, "Andun si Aling Pet, as usual alam mo naman kung saan parte ng bahay siyang makikita." "Hahaha! Oo nga for sure sa kusina kaya walang pinagbago si Manang, lumba-lumba parin kaya hindi nakapag-asawa!" Napahalakhak si Salvador sa sariling biro nito. "Hoy! Ang sama mo naman! Isusumbong kita kay Aling Pet!" Nakanguso niyang sabi, pero gusto niya rin matawa. "Huwag naman!" "Isusumbong kita!" Tuluyan na siyang humagalpoak ng tawa, takot kasi ang binata sa nakakatandang kapatid. "Teka nga! Maiba tayo..." Tumikhim ito at tinitigan siya sa mga mata. "Mas lalo ka atang gumada ngayon Nadia, kumusta ka naman?" "Tse! Maganda ka diyan." Nag-iwas siya ng tingin. Naiilang kasi siya sa tuwing ginagawa iyon ni Salvador, hindi naman sa pangit ito, sa katunayan nga ay guwapo ang binata, matikas, sundalong-sundalo ang dating. Moreno, matangkad at malaki rin ang katawan. Subalit hindi mawari ni Nadia sa sarili kung bakit hindi niya talaga magustuhan ang kababata bilang isang lalake, lalakeng kukuha ng malaking bahagi ng kaniyang puso. Minsan nga ay naiisip niya siguro abnormal siya, kasi kahit isang beses ay hindi siya nagkaroon ng interes sa opposite s*x. "Eto mabuti din naman... Marami kaming kliyente, marami-rami na rin ang bumibili ng aming produkto." Nakangiti niyang sabi at bigla niyang naalala ang shipment. "Naku! Simeon kailangan ko na palang umalis! Maaga kasi truck!" "Ganun ba?! Ihatid na kita." "Naku huwag na!" Tanggi niya. "May dala naman akong bike, for sure darating din ako sa oras." "Talaga? Sure ka?" "Oo naman! Sige puntahan mo na si Aling Pet! Tiyak na magtatalon yun pag nakita ka!" Umayos siya ng upo sa sintadera ng bike, "ba-bye na Salvador! Kita na lang tayo ulit mamaya! Akmang aalis na sana siya nang may paparating na rumaragasang kulay na itim na wrangler na may tugtuging ubod na lakas. Sa pagkabigla ni Nadia na para bang babanggain na siya nito ay tuluyan siyang na-out of balance at natumba sa may gilid ng pilapil ng mga taniman. "Aray!" Tili niya ng mahulog siya sa lupa. "Nadia!" Agad naman siyang nilapitan ni Salvador upang alalayan. Huminto ang itim na wrangler sa tabi ng natumba niyang bike. Ibinababa nito ang salamin at iniluwa dun ang isang lalakeng nakasuot ng sunglasses. "Hey you! Where the hell is hacienda dela vega?!" Maangas nitong tanong. Napatanga sina Nadia at Salvador sa lalakeng nagsalita. Sa sandaling iyon, ay tila bang nakakita si Nadia ng isang guwapong anghel na bumaba sa lupa. Hindi siya ganun ka-moreno hindi rin siya mestiso, tamang-tama lang kaniyang complexion. Matangos ang ilong na tulad kay Ben Affleck, makakapal na kilay, at paniguradong nakatago ang magaganda nitong mata sa suot na ray ban nitong suot at ang cute nitong labi. "Hey! I'm asking you both, where the hell is hacienda dela Vega? Do you understand or do you guys speak cave men language?!" Mas maangas ang tono ng pagtatanong nito kaysa sa kanina. Ilang beses kumurap-kurap si Nadia... 'Anghel nga na Lucifer naman ang dating.' 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD