"Mga hayop!" She yelled out of anger. Wala na siyang nararamdamang kahinaan o kahit ano pa man. Sa sandaling ay wala siyang naririnig o nakikitang iba kundi ang asawa at ang babae nito. Ang liit ni Gwynette sa kaniyang paningin at gustong-gusto niya itong tirisin ng pinong-pino. "Nadia!" Gulat na napalingon si Tristan sa gawi niya, maging si Gwynette ay hindi inaasahan ang pag litaw niya pero imbes na matakot ay ngimisi pa ito ng nakakaloko. "It's not what you th---" Hindi niya pinatapos ang asawa dahil binigyan niya ito ng mag-asawang sampal at wala siyang naririnig nang akmang lalapitan siya nito. "Ohhh... poor jealous wife." Gwynette mocked her, akala nito ay si Tristan lang ang sasaktan niya. She could feel the blood rushing to her head, walang babalang hinatak niya ang buhok nito.

