Tigma ng luha ang kaniyang mga mata habang pabalik sa loob ng silid nila ni Tristan. Kung isang magaling na aktor si Tristan bakit hindi rin niya ito tularan. Sapat na ang lahat ng kaniyang narinig kanina. Oo nga pala, may isa palang Gwynette. Bakit ba niya agad 'yun nakalimutan? Sa sobrang kaligayahang lumulukob sa kaniya ng mga panahong iyon ay nakalimutan niyang may totoo pala itong minamahal na iba. Na siya pala ang kontrabidang sumingit sa eksena. Siguro sobra siyang umaasa na mamahalin rin siya ng asawa, na pwede rin ito magmahal ng isang tulad niya. Umasa lang pala siya sa wala. Pagkapasok niya sa loob ay agad niyang hinubad ang suot niyang damit. Somehow nakaramdam siya ng ginhawa, parang nakahinga siya nang matanggal iyon, dahil hindi iyon siya. Pakiramdam niya kasi nagbabalat k

