"Saan ka pupunta?" Tanong ni Nadia kay Tristan nang maabutan niya itong bihis na bihis ng araw na 'yun. Wala naman siyang na aalalang may lakad ito, wala din itong na banggit sa kaniya. "Ah emergency," agad itong nag-iwas ng tingin at itinuon ang pansin sa sinusuot nitong sapatos. "Emergency?" Kumunot ang kaniyang makinis na noo, "anong emergency? Atsaka andito pa ang mga taga AGC..." Aniya sa asawa. "Ikaw na muna ang bahala sa kanila." Tumayo ito at nilapitan siya. "Babalik ako..." Matiimtim siya nitong tinitigan sa mga mata, "I'll just have to fix things." He smiled a little before kissing her forehead. "Saan ka ba kasi pupunta?" Pangungulit niya dito. "Kailangan ko lang bumiyahe sa Maynila. There's an importan client that I have to meet..." "Sasamahan kita." "No!" He refus

