DUMATING SA buhay ko si Kiara... Hindi siya mabait pero gusto ko siya. Sa tingin ko rin ay minahal ko siya nang kaunti pero hindi tipo na magagawa kong makipag-agawan kay Xanthos para sa kan'ya... Pero naging patunay iyon sa 'kin na kahit papa'no ay may pakiramdam naman pala ako. Pero higit pa pala ro'n ang mararamdaman ko dahil nakilala ko siya... si Kamelliah Jomelyn Vicencio. "Looban?" tanong ko sa secretary ko. "Yes, Sir. Ayaw pong pumayag ng mga taga-looban na ibenta ang lupa nila. Ilang ulit na po natin silang kinumbinsi pero mukhang wala talaga silang balak." Napatingin ako sa ID ng isang teacher na nakatira sa looban na nalaglag kanina sa tricycle na ginamit ko... Napangisi na lang ako nang may pumasok na ideya sa isip ko. Para saan pa na mapagpanggap ako at magaling manloko
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


