Chapter 2: Meeting Her Again

2027 Words
DRUNKEN SAILOR'S BAR Kasama ni Joaquin si Renzo at Julio. Marami sila sa assembly hall kanina dahil may pinag usapan silang project ngunit ngayon ay nag u-unwind na lamang sila. Si Julio Alvarez ay isa rin sa matalik na kaibigan ni Joaquin, bagama't minsan ay taliwas siya sa mga desisyon nito sa buhay ay napapanatili pa rin nila ang magandang samahan. He knows Julio very well. He and his dirty tactics. Babae, sugal, negosyo. Yan ang buhay ni Julio. Bakit at kung paano nangyari sa kanya iyon ay ang isang bagay na hindi na pinakialam pa ni Joaquin at nagkakasya na lamang siya sa mga kinukwento nito sa kanya. "Ganito ako eh, hindi ko na alam kung paano baguhin, mahal ko ang ampon kong si Tassy pero… wala, napakalaking kasalanan ang nagawa ko sa kanya at sa mga magulang niya," saad ni Julio na lasing na habang nag iinom sila. "Yan ba ang dahilan kung bakit miserable ang buhay mo?" tanong ni Joaquin sa kanya. Ibinaba nito ang kupita at saka nagsalita, "Joaquin, I killed that poor kid's parents to get their money and I adopted her. Ang buong akala ko ay absuwelto na ako ngunit hindi, araw araw naaalala ko ang nangyari at kung paano naubos ang shares ng mga Madrilejo ng ganon ganon na lang," paliwanag ni Julio sa kaibigan. "It's not your fault Julio, naaksidente ang nanay ni Tassy at si Marvin naman ay pinatay ng mga taong nanggigipit sa inyo, hindi ikaw ang pumatay sa kanila at tungkol sa pag ampon mo kay Tassy, iyon na ang pinaka magandang magagawa mo para sa matalik mong kaibigan," saad ni Joaquin upang maibsan ang sakit na nararamdaman ni Julio. "But it turned out to be really ugly Joaquin, my eldest son is in love with Tassy. Dean is starting to investigate what really happened to the Madrilejo's investment funds," paliwanag ni Julio at saka tinungga na ang brandy dahil mukhang hindi na sasapat pa sa kanya ang isang kupita nito. "And now, I'm here, on this Cruise Ship, drinking with you, tang 'ina, nakakalunod, Pare," saad pa ni Joaquin na napadabog. "Excuse me, I think I'm gonna throw up!" pagpapaalam naman ni Renzo na tumayo habang hawak ang bibig niya. Nakatulog na si Julio kung kaya't sinenyasan ni Joaquin ang isang waiter na naroon. "Waiter, bill out please," saad niya sa waiter. Bumalik naman si Renzo na hawak hawak ang tiyan. "Sa tingin ko naparami na ang inom ko Joaquin," saad ni Renzo. His handsome features are showing ngayong lasing na siya. "Nag bill out na ako, tulungan mo akong dalhin ang isang 'to sa Cabin niya, tulog na eh," saad ni Joaquin sabay turo kay Julio. "Yeah, sure," saad ni Renzo at napatingin sa dumaang babae na naka mini skirt. Halos mabali ang leeg nito kakaboso sa babaeng dumaan kung kaya't hinampas siya ni Joaquin ng magazine. "Tang'ina mo!" singhal niya kay Renzo. "Aray! Tumitingin lang eh," saad ni Renzo habang hinihimas ang parte ng katawan niya na pinalo ni Joaquin. "May asawa ka na lumilingon ka pa sa iba," saad ni Joaquin. "Pare, lalaki lang ako," saad pa ni Renzo bilang pagtatanggol sa sarili. "Bakit naman kasi hindi mo pag isipan ang sinabi ko noong isang araw eh, ang dami-daming magagandang babae rito Joaquin, wag mong sabihing wala kang natitipuhan kahit isa," saad ni Renzo na tumingin pa sa paligid upang maghanap ng mga babae. "I don't know Renzo, at saka masaya naman kami ni Rosenda, kahit kaming dalawa lang, sapat na siguro iyon na may anak ako," saad ni Joaquin na umiling-iling. Hindi niya pa rin kasi nahahanap si Noreen at kapag nakita niya na talaga ulit ang babaeng iyon ay hindi niya na pakakawalan pa. "But is it fulfilling Joaquin? Is it worth it?" tanong ni Renzo ngunit hindi alam ni Joaquin ang isasagot kung kaya't natahimik na lamang siya. "Yeah sure, nandoon na tayo, you're happy to be a father to Rosenda but don't you think na kailangan din ni Rosenda ng gabay ng isang ina? Lumalaki na ang ampon mo Joaquin, how old is she? Seventeen? Eighteen? Same age as my son Alexander. Alam mo naman ang mga kabataan ngayon, mapupusok, konting I love you lang ay bumibigay na, baka mamaya ay maligawan yan ng kung sinong gago dyan. She needs a mother who will guide her," payo ni Renzo sa kanya. Napayuko na lamang siya dahil may point si Renzo. Rosenda needs someone who's comfortable to talked to, like a mother who will guide her, dahil lalaki siya, hindi niya alam ang nararamdaman ni Rosenda bilang teenager. Kahit pa matured ito mag isip at negosyante still, Rosenda is young and innocent she can fall for someone who's not worthy of her love and trust. Inalalayan ni Joaquin si Julio sa kanang braso nito, habang si Renzo naman ay sa kaliwa. "Itong taong ito, masyadong malungkutin, ewan ko ba sa kanya at masyadong pino-problema ang mga anak niya, eh mukhang maayos naman ang mga anak niya, Dean is running the Alvarez Group smoothly, Dawin is studying and Tassy is… well Tassy, she's a pretty girl, looks a lot like her mom," saad ni Renzo. "Kumusta naman ang unico hijo mo Renzo? Hindi mo pa ba susundan yan? Binatilyo na si Alexander," saad ni Joaquin. "Ewan, sobrang busy ko siguro baka mamaya maka-iskor kay misis," saad ni Renzo habang naglalakad sila sa pasilyo habang inaalalayan si Julio na ngayon ay nakayuko at susuray-suray. "Pagbutihin mo yan," saad ni Joaquin na natatawa. Nang maihatid na nila si Julio at naglakad pa ulit silang dalawa sa pasilyo at narating ang VIP Cabin ni Renzo kung saan naroo naghihintay ang asawa nitong si Rossy. "Ginabi ka na," salubong ni Rossy sa asawa at saka niyakap ito. "Wait lang, hatid ko si Joaquin sa Cabin niya," pagpapaalam ni Renzo kay Rossy na lasing na at hindi na alam ang sinasabi. "Wag na, tang ina, tapos ano?! Ihahatid din kita ulit? Maghahatiran tayo?" saad ni Joaquin na tatawa-tawa. "Tang ina mo talaga, Joaquin!" saad ni Renzo na tatawa-tawa rin habang pumapasok ng Cabin. "Sige na, dyan ka na sa asawa mo, gago! Bukas na lang ulit! Have a goodnight Mrs. Romualdez," pagpapaalam ni Joaquin kay Rossy dahil lasing na talaga si Renzo. Ngayon ay mag isa na lamang si Joaquin na naglalakad sa pasilyo, he can still remember the night he met Noreen, ganitong ganito iyon at hawak niya ang malambot na kamay ng dalaga. Damn it! Bakit ka ba sumusulpot sa isip ko? It's just one night Noreen, hindi dapat ako nagkakaganito but I felt so guilty, dahil ako ang nakauna sayo. Parang mali ata iyon at may malaking kasalanan ako sayo. Pumasok na siya sa VIP Cabin niya at dali-daling hinubad ang suot na coat at tinapon iyon sa sahig gayon din ang ginawa niya sa suot niyang necktie at polo. Topless na siya ngayon at kumuha ng tubig sa ref dahil naghahanap ng malamig ang lalamunan niya, init na init kasi siya ngayon dahil sa alak na nainom. Naisipan niyang pumunta sa jacuzzi upang mahimasmasan dahil nag iinit ang katawan niya ngunit tumambad sa kanya ang babaeng hinahanap, naka higa ito sa jacuzzi at walang takip ang kaakit-akit na katawan nito, kitang-kita niya ngayon sa malinaw na tubig ang kabuuan ni Noreen, napainom siya ng tubig at ang natira ay isinaboy niya pa sa mukha niya dahil baka nananagimip lang siya at guni-guni lang ang lahat ng nakikita niya ngayong gabi ngunit hindi. Noreen is there at his VIP Cabin Suite, all alone at his jacuzzi and all naked. Nabitawan niya ang babasaging baso at gumawa iyon ng malakas na ingay ng nabasag sa loob ng kanyang Cabin Suite dahilan upang magising ang dalaga at mataranta nang makita niya si Joaquin. Hindi rin malaman ni Joaquin ang gagawin ng mga sandaling iyon. "Noreen? Is that you?" tanong ni Joaquin dahil medyo nagbu-blurred na ang paningin niya sa kalasingan. "Uhm n-no Sir, cabin stewardess ho ako dito pasensya na po," saad ni Noreen na nagmadaling isuot ang kanyang uniporme. Wala na siyang pakialam ngayon kahit na nakikita ni Joaquin na nagbibihis siya sa harap nito dahil natikman naman na siya nito at hindi na maibabalik pa ang nawala niyang puri sa estrangherong iyon. Nang makapagbihis siya ay kinuha niya na ang mga gamit niya pang linis at akmang lalabas na siya ng Cabin ni Joaquin ngunit hinigit nito ang braso niya. "Noreen, wait," saad nito. "Hindi nga ho, hindi po Noreen ang pangalan ko," pagpupumilit niya kay Joaquin at pilit tinatakpan ang mukha niya upang hindi siya makilala nito. Ang totoo kasi nyan ay nahihiya siya rito dahil isa lamang siyang hamak na cabin stewardess, langit at lupa ang estado ng buhay nila. Sapat na siguro na minsan niya itong nakadaupang palad at inisip nito na isa siyang sopistikadang babae ng isang gabi lang. "Allowed ba ang mga cabin stewardess na pagkatapos maglinis sa cabin suites ay maliligo sa jacuzzi ng may ari ng cabin suite? Where is your manager?! I want to talk to the management right now and I will make sure that you will get fired immediately!" saad ni Joaquin sa galit na boses, binitiwan niya ang braso ni Samantha at nagmadaling isuot ang polo niya. Natakot si Samantha sa sinabing iyon ni Joaquin kung kaya't kaagad siyang nanikluhod sa harapan ni Joaquin at nagmakaawa. "Sir, parang awa niyo na po, I don't want to lose my job, please. I really need my job, Sir, wag niyo po akong isusumbong sa Manager ko," saad ni Samantha na mangiyak-ngiyak na dahil totoo naman na kailangan niya ang trabaho niya dahil sa kanya lang umaasa ang mga magulang at kapatid niya. "I can smell someone like you from head-to-toe, mga manggagantso kayo! porket alam niyong magbabayad ang customer ay basta basta na lang kayo nananamantala! You're coming with me right now and explain yourself to your manager!" saad pa ni Joaquin na kanina pa ay nagagalit, muli siyang hinigit nito sa braso at kinaladkad palabas ng VIP Cabin. "Sir, I'm begging you! Wag niyo po akong isusumbong, kailangang kailangan ko po ang trabaho ko, parang awa niyo na po!" saad ni Samantha na umiiyak na. Seeing Joaquin bursted in anger like this, hindi na ito ang Joaquin na nakilala niya noong isang gabi, tila ba marahas siyang kinakaladkad nito palabas ng pasilyo at wala itong pakialam kahit na marami ang nakakakita sa kanila. Basa pa rin siya hanggang ngayon dahil bumakat na sa kanyang uniporme ang basa niyang katawan hindi niya maiwasang wag manginig sa lamig ng simoy ng hangin na dumadampi sa kanyang katawan at nakalugay pa ang gulo-gulong buhok niya, she's far from a presentable cabin stewardess and she looks like a wasted girl mas lasing pa siyang tignan kumpara kay Joaquin. "Begging? Huh? I saw you in my jacuzzi having a great time while you're just a mere servant girl! Care to explain yourself?" saad sa kanya ni Joaquin na binitawan siya, nasa deck na sila ngayon at sila na lamang ang tao doon dahil malalim na rin ang gabi. Napayuko si Samantha habang nakatayo sa harap ni Joaquin. Punong puno na kasi ang mukha nito ng mga luha at ayaw pa rin tumigil sa pagpatak non. "Gusto ko lang naman po sana magpahinga dahil napagod po ako sa maghapong paglilinis, kaso po ay nakatulog ako at hindi ko namalayan ang oras, sorry po," humahagulgol na paliwanag ni Samantha kay Joaquin. Nakapamewang si Joaquin at iiling-iling habang nakakunot ang noo nito na nakatingin kay Samantha, he was one hundred percent sure na ang babaeng ngayon ay kaharap at si Noreen na nakilala niya noong isang gabi ay iisa, naka uniporme lang ito ngayon ng pang cabin stewardess. "I'll do anything, Sir! Palinis nyo po sa akin kahit ano po gagawin ko wag niyo lang po akong isusumbong sa manager ko, kailangan ko po ang trabaho ko at ayaw ko pong matanggal dahil sa kapabayaan ko, parang awa niyo na po, nakikiusap po ako sa inyo," saad ni Samantha na umiiyak pa rin at saka kaagad na lumuhod sa harapan ni Joaquin. "Hey, don't kneel…" saad ni Joaquin sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD