Kabanata 1

1700 Words
The most exciting part of the school year is the first day of class: new uniforms, new classmates, new school supplies, and new shoes. But the rest of the year ay pagod, puyat, at walang katapusang school works. Just like now, it's the first day of class, but instead of being excited, ay inaantok ako. Nasa cafeteria kami at maingay ang paligid dahil recess na halos lahat ng estudyante, samantalang ako ay nakatunganga lang na kumakain. Paano ba naman alas-5 pa lang ng umaga ay gising na 'ko, tuloy alas 9 pa lang ng umaga ay sobra na ‘kong inaantok. Gusto ko nang umuwi at matulog sa bahay. "Look! Nag-post si Charmaine ng in a relationship with Nicholas Axel! O.M.G! 3k likes and 859 comments!" naghuhurumintadong sabi ni Emely. Mabilis namang dumungaw si Aia sa cellphone para maki-isyoso. "What do you expect? They are both popular, kaya natural lang na pagkaguluhan sila," sagot nito. Hindi pa rin silang dalawa tumigil kakatingin sa cellphone para makisagap ng tsismis, samantalang busy lang ako sa pagkain at lutang pa ang aking diwa. Ang pinagkakaguluhan lang naman nila ay si Charmaine Mendiola, one of the most popular girls sa campus. She's tall and gorgeous, kaya halos lahat, mapa-lalaki o babae ay hinahangaan siya. Hindi lang 'yon, she ranked number 4 na may mataas na nakuhang grade. Beauty and brain kaya siguro nung nagpasabog ang Diyos ng ganda at katalinuhan, sinalo niya lahat. Napabuntong-hininga na lang ako sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung anong big deal doon; kung tutuusin, tao rin naman sila, wala rin namang pinagkaiba. "1000! In just one month, magbe-break din sila," biglang sabi ni Emely. Nilahad niya pa ang kamay niya at taas-kilay na tingin sa 'min ni Aia. "Two weeks. Sure ako diyan, break na 'yang dalawang 'yan," gatong pa ni Aia. Sabay silang tumingin sa 'kin at nag-aantay ng sagot ko. Napabuntong-hininga na lang ako dahil alam kong 'di nila ako tatantanan hanggang pumayag ako. "One day," walang ganang sagot ko. Nanlaki ang mata nila sa sinabi ko at umiiling na tila hindi makapaniwala. "Grabe ka, Rain! O.A mo naman sa one day! Hindi naman ata easy to get si Charm," gulat na sabi ni Emely. "'Oo nga! Hello, sa gandang babae nun, baka nga hindi na 'yun pakawalan ni Axel," sang-ayon pa ni Aia. "Ano ba kayo! Knowing that guy, tsk... eh parang damit lang 'yun kung makapagpalit ng babae," irap kong sabi sa kanila. Nicholas Axel is the ultimate playboy in town. I've known him for a long time, and a guy like him won't stick to one girl. He quickly loses interest when a girl gets crazy over him. Tumunog na ang bell kaya nagmadali na 'kong pumunta ng room. We're Grade 12 students here at New East High. It is a school exclusively for elite students, pero hindi ako mayaman. I'm just blessed na pag-aralin ng bestfriend ng mama ko. In return, I need to spy on Nicholas, kaya dito niya rin ako pinag-aral para masabi ko lahat ng galaw niya, since nasa abroad silang pamilya para asikasuhin ang business nila. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng classroom namin, pinagmamasdan ang mga estudyanteng naglalakad sa field. First day of class ngayon, kaya expected ko na puro orientation at introduce yourself lang ang mangyayari. Eh, kilala naman na namin ang isa't isa simula pa noong Grade 11, kaya ewan ko ba, sobrang tinatamad talaga ako ngayong araw. Nakita kong nakaupo sa may bench si Charmaine at Axel na naglalampungan. Nasa pangatlong palapag ang room namin kaya kitang-kita ko sila. Wala ba silang klase ngayon? Ah! Cutting! First day of class, cutting agad! Napangiwi ako nang makita kong inilagay niya sa likod ng tenga ang buhok ni Charmaine at dahan-dahang inilapit ang mukha niya. Napalingon ako sa mga kaklase ko kung may nakapansin ba sa kanila, pero halos lahat ay nakikinig sa nagpapakilala sa harapan. Mukhang ako lang yata ang hindi nakikinig. Muli akong lumingon at nanliit ang aking mga mata nang makita kong magkayakap na sila. Napa-irap lang ako at nagdesisyon na 'wag na silang panoorin. PDA! Uwian na! At sa wakas ay makakatulog na rin ako. Inayos ko na ang bag ko at nagmamadaling lumabas. Sa tapat ng classroom ko na lang aantayin sina Aia at Emely dahil mga nag-aayos pa 'yun bago umuwi. "Girl, madaliang madali lang? First day of class ngayon! Tara sa mall habang 'di pa gaanong busy," aya ni Emely habang naglalagay ng liptint. Umiling lang ako sa kanila. Bukod sa inaantok ako, kailangan ko pang umuwi para tulungan si Mama sa gawaing bahay. "Ayoko, kayo na lang. Kanina pa 'ko antok na antok," hikab ko pa. Umismid lang silang dalawa sa sinabi ko. Alam kong hindi nila ako mapipilit kahit anong gawin nila. Tsaka isa pa, wala rin akong pera. Kung ikukumpara ko naman ang allowance ko sa mga allowance nila, baka pamasahe pa lang papunta ro'n, ubos na. "Sige na, umuwi ka na. Alam ko namang hindi ka namin mapipilit! Basta sa susunod, ha!" Dumating na ang sundo nilang kotse kaya kumaway na ako sa kanilang dalawa para magpaalam hanggang sa tuluyan nang umalis ang sasakyan. Sumakay na ako ng tricycle at pagkababa ay unting lakad lang ay nandito na ko sa bahay. Napatigil ako ng makita na nakasandal sa pader si Charmaine habang nakatukod ang kamay ni Nicholas sa dingding. Pulang-pula ang pisngi nito at mapungay ang mata habang hinahawakan ni Nicholas ang pisngi niya. Mabuti na lang na sa gilid lang sila ng gate kaya makakadaan ako, kaya nga lang maiistorbo ko ang moments nila, nakakahiya naman sa kanilang dalawa! Pero mukhang busy silang magtitigan kaya siguradong hindi nila ako mapapansin. Papasok na sana ako nang bigla siyang magsalita. "Are you going to tell this to Mom?" He smirks at me and tries to catch my gaze. Napahinto ako pero minabuti ko nang hindi siya pinansin at nagpatuloy na lang sa pagpasok. I will let him sa ginagawa niya. For sure, it will be a different girl tomorrow. Hapon na nang magising ako. Lumabas ako ng kwarto para hanapin si Mama. Paniguradong nasa kusina siya at nagluluto. Saktong kumakalam na ang sikmura ko kaya pumunta na rin ako ro'n para tulungan siya. Nakita ko siyang naghahanda ng meryenda. Agad kong naamoy ang brookies na binibake niya. "O, gising ka na pala. Naghanda na 'ko ng meryenda. Kumain ka na at puntahan mo na rin si Axel para kumain na rin." Napatingin ako ng matagal kay Mama dahil sa inutos niya. Nagdadalawang-isip pa 'ko, pero I guess wala akong choice kung hindi sumunod na lang. Nagtungo ako sa kwarto niya at alanganing kumatok. Napabuntong-hininga na lang ako bago sinubukang katukin ang kanyang pinto. Nakailang katok na 'ko pero wala pa ring sumasagot. Agad na dumaloy ang iritasyon sa 'kin dahil sa tagal niyang lumabas. Huminga muna 'ko ng malalim at akmang kakatukin nang biglang bumukas ang pinto. Naiwang nakataas ang kamay ko sa ere. Magulo ang buhok niya at nagpupungas-pungas pa na mukhang kakagising lang. Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang katawan nang makita kong wala itong suot pang itaas. Napaiwas lang ako ng tingin at binaba ang aking kamay. Bumaling ako sa kanya at nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya na mabilis ding nawala. Binalewala ko lang siya at walang ganang tumingin sa kanya. "May meryenda sa baba. Kumain ka na raw," malamig kong sabi. Tumango lang siya at muling sinarado ang pinto kaya tumalikod na ako at umalis. Tumingin sa 'kin si Mama at tumingin sa likod ko para tingnan kung sumunod ba siya sa 'kin. Lumapit lang ako sa kusina at sumubo ng brookies. "Tulog ba siya? Dapat ginising mo muna para kumain." dismayadong sabi ni Mama. "Gising na po, susunod na lang daw," mahina kong sagot. "Ganun ba? Sige, aalis muna 'ko para mamalengke. Dito ka lang muna, at pag hindi pa siya bumaba, katukin mo uli." Tango lang ang sinagot ko at tuluyan na siyang umalis. Nagtimpla muna ako ng kape bago umupo at nagsimulang kumain. Malapit na 'kong matapos nang makita kong bumaba siya. Nakasuot na rin siya ng t-shirt at dumalo rito sa kusina habang may katawagan sa cellphone niya. Mabilis akong tumayo at nilagay sa hugasan ang aking pinagkainan. Kumuha ako ng platito para bigyan siya, nagtimpla rin ako ng kape, at binigay sa kanya. Nakangiti siya habang hinahaplos ang kanyang labi sa kausap. Sa itsura pa lang, alam ko na agad kung sino 'yon. Kinuha ko ang basahan at pinunasan ang mesa. Rinig na rinig ko ang usapan nila na mas matamis pa sa kinakain niya. Gusto kong umirap dahil sa kalandian niya, pero pinigilan ko ang sarili. "I miss you, babe," ani ng nasa kabilang linya. Miss? E magkasama nga lang sila kanina. "Miss you more," he answered with a flirtatious tone. Sakit sa tenga! bakit kailangan niya pang iloud speaker? Kakarindi! Napasulyap ako sa kanya at nagulat ako nang nakatingin din siya sa 'kin gamit ang mapupungay na mata. Muntik ko na siyang taasan ng kilay pero pinigilan ko. Manwhore! Pagkatapos ko ay hinugasan ko na rin ang pinagkainan ko. Patuloy pa rin sila sa pag-uusap, habang dedma na lang ako. "I love you, babe," sabi sa kabilang linya. Napabuntong-hininga muna siya at matagal bago sumagot. "Thank you," he answered in a low voice. See? What an ultimate playboy. He likes collecting girls, para lang may maiyabang na nagkaroon siya ng maraming girlfriends. "Jerk," bulong ko. Pinatay ko na ang gripo at lumingon. Napalundag ako nang makita ko siyang nasa harapan ko. Napakunot ako sa distansya naming dalawa. He's looking at me intensely, na parang may mali akong nasabi. I raised my eyebrows dahil sa pagtitig niya. What does he need? I turned around and left him. Wala naman siyang sinabi kaya umalis na lang ako. Did he hear me? Galit ba siya? Who cares! Totoo naman ang sinabi ko. He's a jerk! Akala niya kung sino siya. Pero bakit nga ba ako sobrang inis sa kaniya? Ano bang pake ko? Hindi dapat ako magpakita ng anumang reaksyon dahil baka isipin niya pa na apektado ako sa ginagawa niya. I should mind my own business. Bahala siya sa buhay niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD