Chapter 28

2131 Words
Chapter 28 Znela It wasn't just a simple gown. Napakaganda at napaka-elegante ng pagkakagawa doon. It was a maroon ruffled gown na may touch ng black. Nasa ibabaw din ng kama ang black high heeled shoes na binigay din sa akin kasama nun. Kakatapos ko lang maligo, nagpapatuyo lang ako ng buhok sa harap ng salamin at nakasuot ng robe ng may kumatok mula sa labas. Tumayo ako para pagbuksan iyon "Are you done?" bungad sa akin ni Ate Anna, umiling ako at nakita ko ang pagtingin niya sa akin mula ulo hanggang paa. "Do you want me to help you?" she asked at ngumiti ako. "No need, I can help myself." Sagot ko na lang "Thank you." "Okay, bumaba ka na lang mamaya pagkatapos mo, malapit na rin magsimula ang kasal." Tumango ako saka sinara ang pinto. Humarap ako sa kama saka kinuha ang gown, I removed my robe at hinayaan yung dumulas sa katawan ko pahulog sa sahig. Kinuha ko yung gown saka sinuot. It fits perfectly, parang ginawa talaga para sa akin. May mga accessories na andun, Ate Anna said I can use them kaya ginamit ko na rin. Nakasuot na sapatos ko at sinuklay ko na ang mahaba kong buhok ng biglang may kumatok ulit. "Are you done?" Rio asked me, hindi ko alam kung saan ako magugulat, sa tanong niya ba o sa fact na pumunta siya dito sa kwarto ko. "Ahh Oo, pababa na rin ako." Sagot ko sa kanya "Really? You are done?" she asked again saka tinignan ako ulit, napakaganda ng ayos niya. Naka braid yung parte ng buhok niya na naka-bun, nilagyan din ng maliit na bulaklak palibot nun. She was wearing a maroon gown too but it was shorter than mine, more expose than mine too. Maganda din at sobrang bagay sa kanya. Ang ganda ganda ng mukha niya, napakakinis at parang balat ng manika sa puti. "Yes, why? What's wrong?" I asked her and she rolled her eyes. Hinila niya ako papasok at pinaupo sa harap ng salamin. Kinuha niya ang curling iron saka ginalaw ang buhok ko. "The wedding is about to start, sana if you can't make ayos to yourself, you should've ask someone to!" daldal niya habang inaayos ang buhok ko. Binuksan niya ang drawer na nasa harap ko at doon tumambad ang maraming set ng make up. "Pikit!" sabi niya at wala akong nagawa. Rio is much younger than me pero ang galing galing niya sa pag-aayos. "Don't be shock sa nature ng work ko mahalaga na I know how to put make-up sa self ko!" she said na parang sinagot ang mga tanong ko sa isip. Binuksan ko ang mata ko ng medyo pinabuka niya ang bibig ko. She grabbed the red lipstick kaya medyo nilayo ko ang mukha ko para sana tumanggi pero nagsalita siya "Don't worry I'll not put something na ikakapangit mo, trust me bagay ito sa skintone mo!" she said saka nilagay ang lipstick. "Done!" she declared matapos iayos ng kunti ang buhok ko gamit ang kamay niya "Let's go baka mahuli pa tayo!" aya niya sabay hila sa akin. Nang makarating na kami sa labas ng mansion, doon ko nakita ang napakaraming tao. May lumapit sa akin para ibigay ang isang kumpol ng bulaklak na hahawakan ko daw habang naglalakad mamaya. Tinanggap ko iyon at nagpasalamat. "Saan na ba sila?" rinig kong tanong ni Rio habang tumitingin sa paligid. "B-By the way, thank you!" sabi ko at tinignan niya ako "Tito asked me to, I can't refuse!" sagot niya saka naglakad palayo sa akin matapos makita ang kakambal niya "You're so tagal, akala ko lalakad na ako mag-isa!" angal niya kay Rylle. Ngumiti lang ito sa kanya. Lumakad ako papunta kung saan sila nagtitipon tipon, wala akong kakilala na iba bukod sa kanila. "Saan na ba yung lalaking iyon?" bulong ko saka ginala ang tingin sa paligid, kinagat ko ang pang ibaba kong labi at doon ko nalasahan yung lipstick na nilagay nila Rio. "Aish, saan na-" "Looking for your prince charming?" muntik pa akong napatili ng may biglang bumulong sa tenga ko, pagharap ko si Terrence yun. Naka-americana siya at bow tie. Ang bango-bango niya, hindi lang sa tingin, talagang mabango siya. Terrence looked at me, hindi mawala ang ngiti niya sa labi habang gingawa iyon. Para pang nag twinkle yung mga mata niya habang tinitignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Wow." He uttered saka ulit tumingin sa akin. "Wag mo n-nga akong tignan ng ganyan!" sita ko sa kanya matapos makaramdam ng pagkailang "I'm sorry, I can't help it, sobrang ganda mo kasi!" sagot niya na hindi tinatanggal ang tingin sa akin. Umiwas ako ng tingin matapos makaramdam ng pagwawala ng dibdib at pag-iinit ng pinsgi. "May I have this honor to be your gentleman, tonight?" nilahad niya ang kamay niya sa akin sabay kindat. Hinampas ko siya ng bulaklak ng mahina kaya tumawa siya. "May choice pa ba ako?" pagbibiro ko sa kanya, tumaas ang balikat niya. "Shempre wala na, tignan mo, ako lang ang bagay sa iyo dito!" agad din naman niyang sagot. "Tara na nga!" sabi ko at narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa. We marched kasunod ng Ate at Kuya niya. Sa likod naman namin Si Rio at Rylle. Simple pero elegante, maganda ang bride pati ang suot niya, I don't personally know them pero kanina binati din nila ako bago magsimula. Nagkaroon ng kainan, iba ito kumpara sa mga napuntahan ko ng mga kasalan na sobrang formal, dito lahat nagsasalo salo. Kahit anong estado, taga mansion man o taga bukid, lahat dito pantay pantay ang tingin ng pamilya ni Terrence. "Did you like the food?" Ate Maria asked me, ngumiti ako at nagpasalamat "You look pretty iha, sino nag-ayos sa iyo?" "A-Ahh si Rio po." Sagot ko at sabay kaming napatingin sa kanya, Rio smiled. "Really? Well, mas marunong pa talagang mag-ayos sa kin yan simula noon pa, maaga siyang natuto." Dagdag pa niya. "Sabi nga po niya sa akin." Bigla kaming napatingin sa gitna ng reception ng bilang tumunog ng sweet old songs mula sa napakalaking speakers. May tumayo ring matandang lalaki na nag-aannounce at parang nagiging emcee para sa program ata na gaganapin, ewan ko bago lang sa akin lahat ito. "You'll enjoy it!" sabi ni Ate Maria saka na rin nagpaalam sa akin. "Mga binata at dalaga, inaanyayahan ko kayong sumayaw sa gitna at lasapin ang saliw ng musika!" sabi nung emcee, biglang may humila sa akin na dalaga. Napatingin ako sa kanya, hindi ko siya kilala pero nakangiti siya at mukha mabait. "Tara Senyorita!" aya niya, umiling ako, biglang may kumuha pang isa sa kabilang kong kamay, they are both pulling me doon sa dance floor. "Sorry b-but I don't dance." Sabi ko pero nagawa parin nila akong hilahin. Nandun na si Rio at Rylle nagsasayaw, yung ibang mga dalaga nakahanap na rin ng kapareha, tumingin tingin ako sa paligid, unti unti ng nauubos yung mga dalaga na walang kapareha, biglang may lumapit sa akin lalaki. Maliit siya, Moreno at di kagwapohan. "P-Pwede ba kitang maisayaw Senyorita?" tanong niya at nabigla ako, nahihiya akong tumanggi kaya tinanggap ko ang alok niya. Ngumiti ako ng mapakla sa kanya at siya parang nasa alapaap habang sinasayaw ako. Don't get me wrong, naiilang ako sa kanya, una dahil di ko siya kilala at pangalawa ay dahil di naman ako sumasayaw. "Napakaganda mo po Senyorita." Sabi niya. "S-Salamat." Sagot ko naman "Napaka-gentleman mo naman." Dagdag ko. Hindi pa ata umabot ng minuto ang pagsasayaw namin ng may lumapit saka kinausap siya, pagtingala ko si Terrence iyon. "Pwede ko bang mahiram muna ang kamay ng napaka-gandang dilag na ito?" tanong niya sa kasayaw ko, hindi ko alam kung matatawa ako o hindi, mabilis na napatango yung lalaki at inabot ang kamay ko kay Terrence, yumuko pa siya bago nagsalita. "Sige po Senyorito." Paalam niya saka humanap ng kapareha. Terrence then looked at me. Hindi lang ang labi niya ang may mga ngiti, pati rin ang mga mata at hindi niya magawang maitago iyon. He held my hand saka pinatong iyon sa magkabilang balikat niya. Naramdaman ko naman ang magkabilang kamay niya sa beywang ko. "Ikaw ah, hindi mo ako inaantay!" sumbat niya sa akin, ngumiti ako. "Sino ba kasing may sabi sa iyo na iwan mo ako?" sakay ko sa sinabi niya. "Hindi kita iniwan, sadyang sumama ka lang sa iba!" sagot niya kaya napatitig ako sa kanya "Sa susunod kahit sinong mag-aya sa iyo wag kang sasama ah?" "Sige." Sagot ko "Kahit ayain mo ako di na ako sasama." Pagbibiro ko at nakita ko ang pag pout niya, I giggled. "There's always an exception!" sagot niya ng mabilis "Bakit? Tingin mo special ka?" tanong ko matapos niya akong iikot. "Bakit hindi ba?" tanong niya pabalik, ewan ko kung bakit pero para akong kinuryente sa simpleng tanong na iyon. I cleared my throat saka umiwas ng tingin. "Zee." Tawag niya saka hinawakan ang baba ko at hinarap sa kanya, he smiled saka binalik ulit ang kamay sa beywang ko habang patuloy kami sa mabagal na pagsayaw "Hindi naman malabo sa iyo ang nararamdaman ko di ba?" he asked, hindi ko alam ang isasagot kanya. "T-Terrence kasi-" "Znela, alam kong meron tayong hindi magandang past but I still have a chance to make up to you, right?" he asked sincerely. "T-Terrence, tingin ko hindi ito ang tamang oras para pag-usapan yan." Sagot ko sabay iwas ng tingin, aalisin ko na sana ang kamay ko sa balikat niya ng bigla niyang hawakan iyon, he pulled me closer to him at para akong nanlambot dahil doon "I'm not asking you to decide right now." Sagot naman niya sa akin "I told you, no pressure. Nililinaw ko lang ang intensyon ko sa iyo." Paliwanag niya. "Sa iyo ko lang ito sasabihin Znela, I like you and I want to court you." He said at saktong huminto ang music. Napilitan niya akong bitawan matapos magsalita ang emcee na itatapon na daw ng bride ang bouquet. Once again tinawag ang mga dalaga para tumayo sa likod niya. I was standing at the last row, wala akong intensyong makuha ang bouquet, katapat ko si Rio, tingin ko wala rin naman siyang balak na kunin iyon. Nagbilang ang emcee at laking gulat ko ng walang tumapon na bouquet sa ere but instead gumilid yung mga dalaga sa harap ko habang tinitignan nilang naglalakad ang bride palapit sa akin. I was shocked when she offered me her bouquet. "A-Ako?" turo ko sa sarili ko, ngumiti siya "P-Pero you were supposed to-" natigil ako sa pagsasalita ng maramdaman kong nakatingin na silang lahat sa akin, napalunok muna ako bago ko tinanggap yung bouquet, nagpalakpakan silang lahat. Kinakabahan ako ng pinaupo nila ako sa gitna habang inaantay kung sino ang makakasalo naman nung garter na inalis ng bride. Tinapon yun sa ere at kitang kita kung paano sila nag-agawan, nagtawanan pa ng may nahiga talaga sa lupa habang nakikipag-agawan sa tinapon na garter, nagkaroon pa ng alikabok, akala mo may nag-aaway na dahil doon. "Naku, sa sobrang ganda ng dilag natin dito, halos magsabong na ang mga binata natin." Pagbibiro ng emcee pero lalo akong kinabahan. Natigil ang pag-aagawan ng may nagtaas ng kamay habang hawak ang garter. Unti-unting nagsilayoan ang mga binata na andun at nakita ko si Terrence, taas taas ang garter habang pinapagpag ng isang kamay ang nadumihang americana. He smiled at me kahit hingal na hingal. Tumayo siya saka pinagpagan ang sarili. He bit his lower lip saka naglakad palapit sa akin. "See, kaya kong makipagpatayan para sa iyo!" pagbibiro niya, she showed me the garter at parang tuwang tuwa sa achievement na nagawa. "Aba, si Senyorito Terrence pala ang nakakuha." Lalong nagpalakpakan ang mga tao sabay ng hiyawan. "Ngayon, isuot mo na yang garter sa magandang dilag na nasa harap mo Senyorito." Terrence happily kneeled down infront of me. They asked me to raise my gown at hindi ako nakatanggi. Terrence removed my shoe dahil sumasayad yung garter dun sa heel ng sapatos. Dahan dahan niyang pinasok yung garter sa paa ko at doon narinig ko ulit yung emcee. "Aba, mukhang asentado sa pag-shoot itong si Senyorito!" nagtawanan ang lahat, Terrence looked at me pero ako, hindi ko alam kung saan titingin, nahihiya at naiilang dahil sa pinapagawa sa amin, ng makaabot na sa tuhod ko yung garter, Terrence pulled down my gown saka pinasok ang kamay niya para umabot sa legs ko yung garter. Para pa akong nakuryente ng maramdaman ko ang kamay niya na dumaplis sa legs ko. Umiwas ako ng tingin matapos niya akong alalayang makatayo. Ngumiti siya saka hinapit ang beywang ko ng may photographer na lumapit para kunan kami ng picture. They told me to raise the bouquet and smile widely, and I did. Paalis na kami sa gitna ng biglang bumulong si Terrence sa akin "Kinilig ka kanina no?" tinignan ko siya, ngumisi siya saka nagsalita ulit "Ang init kasi ng legs mo!" Naibuka ko ang bibig saka hinampas siya nung hawak kong bouquet "TERRENCE KAHIT KAILAN KA TALAGA!" sigaw ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD